Inang nawalan ng paningin, hinahatid ang anak sa eskuwela araw-araw | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Inang nawalan ng paningin, hinahatid ang anak sa eskuwela araw-araw

ABS-CBN News
Published May 06, 2018 06:00 PM PHT

Anak na may Down syndrome, ‘mata’ ng nabulag na nanay

Hindi na mabilang ang mga plato, baso, at tasang nabasag niya habang nasa kusina. Madalas din siyang magkabukol at pasa dahil sa pagkakabangga sa pader at pintuan.

"Hindi ko makita ang lahat ng mahawakan ko, lahat basag," ani Elsa Badilla, 55. "Hindi ko talaga matanggap noong una. Pero dahil nga sa mga anak ko, nagiging matatag ako."

Taong 2011 nang tamaan ng glaucoma ang kanang mata ni Badilla. Paglabo ng paningin ang karaniwang unang sintomas nito. Hindi naglaon, naapektuhan na rin ang kaliwang mata niya.

Hindi na raw niya nagawang ipagamot ang mga mata. Bagama't may naitabing pera, pinili niyang ipambili na lamang ito ng pagkain at gamit sa eskuwela ng kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT
"May pera ako noong panahon na iyon, pero hindi ko naman alam kung sino ang uunahin ko -- ang sarili ko o ang mga anak ko? Siyempre, pinabayaan ko muna ang sarili ko. Mas inuna ko 'yong dalawa, kasi saan ako kukuha ng pagkain nila?" sabi ni Badilla.

Tuluyan na siyang nabulag.
Tuluyan na siyang nabulag.
Sanay man sa dilim si Badilla dahil madalas silang walang kuryente sa gabi, kakaibang dilim pa rin daw ang dala ng pagkabulag.

Hiwalay na sa kanyang asawa si Badilla nang isilang niya si Sarah noong 2004.

Lampas 40 anyos na si Badilla noon kaya nagpapasalamat siya sa Diyos dahil nakapagsilang pa siya. Kuya na ang kanyang panganay na si Jan-Jan.

Tulad ni Jan-Jan, malusog na sanggol si Sarah, ayon kay Badilla. Normal naman sa paningin ng ina ang maliliit na kamay, makinis na balat, at mala-anghel na mukha ni Sarah.

"Naantig ako noong unang beses ko siyang makita. Talagang masaya! Ewan ko, hindi ko maipaliwanag," ani Badilla.

Perpekto man sa paningin ng kanyang ina, agad napansin ng midwife na may kakaiba kay Sarah. May "DS" daw o Down syndrome ang sanggol.

Hindi raw agad naintindihan ni Badilla ang ibig sabihin ng midwife. Hindi rin niya alintana kung ano man ang kalagayan ng anak. Basta't sa mga oras na iyon, ang mahalaga lamang sa kanya ay nasilayan niya sa unang pagkakataon ang kanyang bunso.

Liwanag sa dilim
"Ang sabi nila, special child daw. Pero okay lang sa akin kahit special child siya. Masaya ako, kahit ano pa man siya, kasi anak ko siya e," ani Badilla.

Maagang nakakitaan ni Badilla si Sarah ng determinasiyong matuto. "Napansin kong mahilig siyang magsulat-sulat, mag-aral. Hanggang sa nag-decide siyang gusto niyang mag-aral.”

Simula noon, hinahatid at sinusundo ni Badilla si Sarah araw-araw kapag pumapasok ito sa eskuwela. Ito raw ang kanyang simpleng paraan para ipakita ang suporta sa anak, hindi man niya ito mabigyan ng magagarang gamit.

Mistulang pinagsakluban ng langit at lupa si Badilla nang mabulag. Pero sa kabila ng kanyang kalagayan, hinarap niya ang dilim.

"Kung hindi ko lalakasan ang loob ko, paano ang mga anak ko? Paano na lang ang buhay nila lalo na itong bunso ko?" aniya.

Tulong-tulong sila ngayon nina Jan-Jan at Sarah para itaguyod ang pamilya nila. Habang nag-aaral si Sarah, nasa construction si Jan-Jan, na nagpe-pedicab driver din sa gabi.

Si Sarah naman ang nagsisilbing mga mata ni Badilla. "Si Sarah ang mata ko kasi inaakay niya ako. Imbes na ako ang umaakay sa kanya, siya ang umaakay sa akin. Hindi naman ako makaalis nang walang umaakay sa akin," aniya.

Kahit pareho silang may kapansanan, magkasamang sinusuong ng mag-ina ang bawat tawiran at hagdan. Madalas silang makipagpatentero sa mga sasakyan.

Hindi iyon alintana ni Badilla.
Hindi iyon alintana ni Badilla.
Bagama't hindi nakakapagsalita si Sarah, malaki na rin raw ang ipinagbago ng bata magmula nang pumasok ito sa eskuwela, ayon sa kanyang guro. Kaya desidido si Badilla na suportahan ang pag-aaral ng anak.

"Gusto kong makapag-aral siya (si Sarah). Matuto siyang magsulat o kaya marami siyang matutuhan. Gusto ko siyang maging matatag para kung mawala man ako, matuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa," aniya.

Editor’s note: Unang lumabas ang kuwento ni Elsa Badilla sa Mission Possible nitong Marso 2018. Muli siyang binisita ng ABS-CBN sa okasyon ng buwan ng pag-alala sa mga ina ngayong Mayo.

Read More:
Elsa Badilla
Sarah
Just Love You 'Nay
Mother's Day
Mother’s Month
JustLoveYouNay
blind mother
Down syndrome
Mission Possible
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT