ALAMIN: Kahalagahan ng 'business plan' sa negosyo

ABS-CBN News

Posted at May 02 2019 09:19 PM | Updated as of May 02 2019 09:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Masusing pagpaplano ang nakikitang magandang hakbang sa pagsisimula ng isang negosyo. 

Iyan ang pahayag ni Erlinda Binanitan, training director ng Nego-skwela Livelihood Training Center sa programang "Sakto" ng DZMM noong Miyerkoles. 

Ayon kay Binanitan, mahalagang magkaroon ng business plan bago simulan ang negosyo. Dito na raw kasi nakalagay ang mga layuning susundan ng mga magsisimula ng kanilang business. 

"'Yung business plan naroon po kung ano 'yung magiging vision (ng negosyo), ano ba ang operational guidelines na p'wede nating ilagay para 'yun po ang guide natin para sa ating negosyo," ani Binanitan. 

Dito rin umano nakalagay ang mga risk o panganib, at ang mga maaaring kawalan sa tatahaking negosyo. 

Sa pagsisimula ng negosyo, may mga dapat ding isaalang-alang bukod sa pagkakaroon ng business plan, ayon kay Binanitan. 

Dapat din munang mag-survey tungkol sa maaaring simulan na negosyo, at pag-isipan kung saan ito maaaring ilagay. 

Mahalaga rin ang kumonsulta at magtanong sa mga eksperto para matingnan ang mga susunod na hakbang. 

Dapat ding naaayon sa passion o hilig ng isang tao ang kaniyang gagawing negosyo. 

Pero kaakibat nito aniya ang pagtingin sa kakayahang pinansiyal at sa mga maaaring mangyari kapag binuksan na ang negosyo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.