#KwentongKapamilya: El Gamma Penumbra nakita ang liwanag sa tagumpay | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

#KwentongKapamilya: El Gamma Penumbra nakita ang liwanag sa tagumpay

#KwentongKapamilya: El Gamma Penumbra nakita ang liwanag sa tagumpay

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakilala ang grupong El Gamma Penumbra sa Pilipinas at sa buong mundo sa kanilang mga shadow play performances na nagpaparating ng iba't ibang mensahe tungkol sa lipunan.

Pero bago nila makamit ang maliwanag na tagumpay, nabalot ng dilim ang kani-kanilang buhay.

Sa pagsisimula nila bilang grupo ng mga hiphop dancer noong 2011, nagsimula sila sa kani-kaniyang pangarap na maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Sa hirap sa buhay, napagdaraanan nila ang iba't ibang pagsubok para makilala ang kanilang grupo - mula pag-aarkila ng jeep at pageensayuhan, hanggang sa pagsali sa mga malalayong paligsahan para makilala.

ADVERTISEMENT

Maaalalang unang nakilala ang El Gamma Penumbra sa mga tanyag nilang shadow play performances sa "Pilipinas Got Talent," kung saan nagtapos sila sa ikaapat na puwesto.

Hindi man nanalo, nakita ng mga hurado ang kanilang potensiyal. Hindi rin natinag ang grupo at dumating ang isa pang pagkakataon.

Pinili ang El Gamma Penumbra noong 2013 na magtanghal sa "Choose Philippines" tourism video ng ABS-CBN - na nagpabida ng magagandang tanawin at destinasyon sa higit 7,000 isla ng Pilipinas.

Ito na raw ang nagbukas ng iba pang mga oportunidad para sa grupo, ayon sa manager ng grupong si Dong Pilates.

"Sobrang dami nang tawag kaming natanggap, at nagpapasalamat po kami dahil nagbukas 'yun ng madaming windows para sa El Gamma Penumbra," ani Pilates.

ADVERTISEMENT

Patuloy nang dumarating ang kanilang mga biyaya, hangga't sa sumabak sila sa "Asia's Got Talent," kung saan nakilala sila bilang kauna-unahang kampeon ng kompetisyon.

"Kung dati po anino lang ang nakikita, ngayon po, unti unti na po kaming nakilala," wika naman ng isang miyembro.

Nakilala man sa daigdig sa kanilang talent, mas pinipili nila ang kanilang bayan.

"Kahit saan po kami makarating, pipiliin at pipiliin po namin ang Pilipinas because we 'Choose Philippines'," anila.

Sa ngayon, abala ang grupo sa pag-eensayo sa "World's Got Talent," kung saan muli silang nagpakilabot sa mga hurado.

ADVERTISEMENT

Sa kanilang narating, nagpasalamat sila sa ABS-CBN sa pagbigay sa kanila ng bagong oportunidad.

"Masaya po sa pakiramdam dahil ang ABS-CBN po ang nagpaalala sa 'min na para hindi bumitaw sa pangarap namin."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.