Paggawa ng 'hugot dolls,' libangan at pinagkakakitaan ng mga bilanggo sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paggawa ng 'hugot dolls,' libangan at pinagkakakitaan ng mga bilanggo sa Iloilo

Paggawa ng 'hugot dolls,' libangan at pinagkakakitaan ng mga bilanggo sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Ang mga manikang ito ay tinatawag na "hugot dolls" na likha ng babaeng bilanggo sa Iloilo City District Jail. Cherry Palma, ABS-CBN News

Suot ang kanilang dilaw na "uniporme," palaging abala ang mga babaeng bilanggo sa Iloilo City District Jail sa kanilang pampalipas oras na paggawa ng mga abubot o accessories gamit ang beads.

Pero dalawang taon na ang nakakaraan, nakaisip ang mga malikhaing inmate ng panibagong obra: ang paggawa ng manika o tinatawag nilang "hugot dolls."

Ang konsepto ay napulot din nila sa mga estudyante at guro sa University of San Agustin na nagsagawa ng proyekto sa loob ng bilangguan.

Inspirasyon ng inmates sa mga obra ay ang kanilang pamilya sa labas. Cherry Palma, ABS-CBN News

Tinawag daw nila itong "hugot dolls" dahil ito'y salamin ng kanilang saloobin habang malayo sa pamilya.

ADVERTISEMENT

"Malaking tulong ito. Pinapawi niya ang lungkot sa loob. Nagiging abala kami at nakakatulong pa kami sa pamilya namin sa labas. Inspirasyon ko sa mga gawa ko ang mga anak ko," ayon sa preso na si alyas "Inday."

"Siyempre para sa nanay ko ito. Malayo kasi siya dahil OFW (overseas Filipino worker)," ani alyas "Ice" isa ring bilanggo.

Ayon sa opisyal ng city jail, malaking tulong ang paggawa ng mga manika dahil mas nagiging makabuluhan ang pamamalagi ng mga preso.

"Through this, nabibigyan sila ng sense of contribution. Nagiging parte tayo ng kanilang self-development at progress. Kumikita rin sila," ani Chief Inspector Imee Lopera, jail warden ng Iloilo City District Jail.

Maraming gamit ang kanilang hugot dolls dahil iba't iba ang sukat nito. Mayroong malaki na tila unan, may maliit na puwedeng keychain, at ang iba pa ay maaaring ipa-frame.

Inilipad mula Iloilo papunta sa isang gallery sa Quezon City ang mga likhang "hugot dolls" ng inmates para maitampok ito sa mga taga-Maynila. Cherry Palma, ABS-CBN News

Katunayan nitong Marso hanggang Abril ay naitampok ang kanilang mga obra sa isang gallery sa Quezon City.

Pinagkakakitaan ng inmates ang kanilang mga likha at karamihan ay pinapadala ang pera sa mga anak para pambili ng pangangailangan sa paaralan.

Abot-kaya ang presyo ng bawat hugot doll na maaaring mabili sa halagang P200-P600, depende sa laki at design.-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.