Mga guro sa N. Occidental nagpatayo ng 'sharing station' para sa nangangailangan ng gulay, karne | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga guro sa N. Occidental nagpatayo ng 'sharing station' para sa nangangailangan ng gulay, karne

ABS-CBN News
Published Apr 23, 2020 03:33 PM PHT

Nagtayo ang isang grupo ng mga guro ng isang istasyon na layong mamahagi ng libreng karne, isda, gulay, at iba pang pagkain sa mga naninirahan sa isang komunidad sa Negros Occidental ngayong may enhanced community quarantine sa lugar.

Ipinatayo ng mga guro mula Department of Education - Division of Sagay City, Negros Occidental ang Bulig-HATAG Station para sa kanilang adopted community sa Gawad Kalinga Sinigayan Village.

Aabot sa 160 pamilya ang nakatira sa lugar at nakakatanggap sila ng ayuda araw-araw.

Hango ang kanilang programa sa Kindness Station sa Sorsogon na namimigay rin ng pagkain sa mga residente, ayon sa isa sa mga organizer na si Josette Balandra.

Nagsimula ang grupo sa 23 guro na nag-ambagan para sa paunang budget na pambili ng mga pagkain noong Abril 16, ayon kay Balandra.

Pero nasundan pa ng mga in-kind at cash donations mula sa mga tao at mga organisasyon ang proyekto na 7 araw nang ginagawa.

Bahagi ng values formation program ng DepEd ang three acts of goodness na "Do Good Deeds, Speak Good Words, at Think Good Thoughts" na nagsilbing inspirasyon ng mga guro para tumulong.

Ayon kay Balandra, plano pa nilang gawin sa iba pang komunidad sa Sagay ang Bulig-HATAG kaya't umaasa pa rin sila sa donasyon mula sa mga residenteng kayang magbahagi ng ayuda.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
public service
gulay
agriculture
COVID-19 bayanihan
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT