'Pantawid ng Pag-ibig': Mga tinapay hatid sa Barangay 384 sa Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Pantawid ng Pag-ibig': Mga tinapay hatid sa Barangay 384 sa Maynila

ABS-CBN News
Published Apr 22, 2020 07:35 PM PHT
|
Updated Apr 22, 2020 09:01 PM PHT

MAYNILA - Marami ang nag-aabang ng ayuda at pagkakataong maipaalam ang mga sitwasyon ng mga taga-Barangay 384 sa Maynila, na itinuturing na komunidad ng mga Muslim.

Isa rito si Norin Abubakar, na nakansela ang flight papuntang Saudi Arabia bilang overseas Filipino worker dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

"Kailangan namin ng tulong kasi siyempre lockdown kami walang makain. Wala kaming pambayad ng renta kasi wala kaming pera," ani Abubakar, na hindi rin nakauwi sa Marawi.

Siksikan sila ngayon sa maliit na kuwarto kasama ang tatlo pang bibiyahe sana na OFW.

ADVERTISEMENT
Ngayong pansamantala silang nakatira sa lugar, hindi sila kasama sa opisyal na census ng barangay kaya't kinakailangang gumawa ng panibagong listahan para mabigyan sila ng relief goods.

Kaya panawagan ng mga residente gaya ni Jocelyn Tudiaong na mapabilang sa mga makakakuha ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.

"Mahirap talaga ang buhay dito. Nananawagan po kami sa gobyerno lalo na iyong DSWD... Tingnan niyo kung sino talaga karapat-dapat na bibigyan ng ayuda," aniya.

Sa gitna nito. lumabas ang malasakit at bayanihan sa komunidad ngayong panahon ng Ramadan.

"Nagtutulungan kahit sa paunti-unti na ano. Minsan nagse-sharing na lang ng bigas para at least mairaos kahit papaano ang pamilya nila," ayon kay Abubakar Sharief, kapitan ng barangay.

Isa sa mga nakagawian ng mga Muslim ang tinatawag na Zakat o pagtulong sa iba.

Kaya naman ang pamilya ni Sharief, sako-sakong bigas at de-lata ang inihahanda para makadagdag sa kakulangan ng suplay sa barangay.

"Kahit kaunti na kayang tumulong sa kapwa, kailangang ipadama naman natin ang pagtulong natin sa nahihirapan," ani Tessie Sharief.

Kabilang ang Barangay 384 sa mga komunidad ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid, isa sa mga katuwang ng ABS-CBN sa "Pantawid ng Pag-ibig" program.

Katulong ang Philippine Association of Flour Millers, namahagi ang kampanya ng mga tinapay bilang paunang ayuda, kasabay ang libreng face mask ng barangay.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa iba pang mga naging partner ng proyektong ito:

- Champion Detergent
- Coca-Cola
- Colgate Palmolive
- Great Taste 3-in-1
- Hana Shampoo
- Kopiko
- Ligo Sardines
- Quick Chow Noodles
- Mega Sardines
- Rebisco
- Safeguard
- CDO Foodsphere
- International Pharmaceuticals Incorporated
- Lucky Me

Nananawagan ang ABS-CBN sa publiko para sa cash donations, na gagamitin para ipambili ng pagkain at basic necessities ng mga nawalan ng kita at hindi makapaghanapbuhay dahil sa quarantine.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
TV Patrol Top
Pantawid ng Pag-ibig
public service
public service campaign
ABS-CBN public service
Barangay 384 Maynila
Barangay 384 Manila
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT