Sting ng dikya, paano lalapatan ng paunang lunas? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sting ng dikya, paano lalapatan ng paunang lunas?

Sting ng dikya, paano lalapatan ng paunang lunas?

ABS-CBN News

Clipboard

Inaasahan na naman ang pagdagsa ng tao sa mga beach matapos ideklara kamakailan ang opisyal na pagsisimula ng tag-init.

Pero bukod sa pagkalunod, na karaniwang sanhi ng disgrasya sa mga summer outing, pinag-iingat din ng isang eksperto ang publiko laban sa mga mapanganib na lamang-dagat na kinukubli ng katubigan, gaya ng mga dikya o jellyfish.

"They're just simply jellies, they're just floating around. 'Pag dinaanan, may defense sila," anang marine biologist na si Gerry Reyes.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa umano sa pinakadelikadong uri ng dikya ay ang "cuatro cantos" o box jellyfish.

ADVERTISEMENT

Maaari itong magpakawala ng selulang "nematocysts" na naglalaman ng lasong maaaring makaparalisa sa puso at nervous system ng biktima.

"'Yun 'yong mga coiled na parang mga pana. Pang-defense nila 'yan," paliwanag ni Reyes.

Ipinapayo ni Reyes na kapag tinamaan ng sting ng cuatro cantos ay agad umahon mula sa tubig dahil posibleng may pakalat-kalat pa itong lason.

"Get out of the water kasi nandoon 'yon, may mga napakawalan 'yan na sting," ani Reyes.

Gumamit ng ID o plastic card na pantanggal sa mga galamay na nakadikit pa rin sa katawan.

Hindi umano nakatutulong ang pagpahid ng basang buhangin, pagbuhos ng tubig, o alcohol sa mga na-sting na bahagi.

"Kasi 'yong mga nematocyst, 'yong iba 'di pa pumutok o kumbaga 'di pa na-fire. 'Pag buhos mo ng mineral water, sigurado kang malinis, eh nagbubukas 'yon, mas lalong nag-sting," paliwanag ni Reyes.

"It might have a different reaction," dagdag ng dalubhasa.

Suka umano ang mabisang antiseptic o pang-alis ng mikrobyo sa nasalabay na bahagi ng katawan.

Hindi rin nakatutulong ang pagbanli ng ihi sa sugat dahil pinalalala lang nito ang impeksiyon dahil sa dumi.

Mahalaga ring may marunong magbigay ng wastong paunang lunas sa resort kung saan magsi-swimming ngayong tag-init.

Itinuturing ang mga buwan ng Abril at Mayo bilang "jellyfish season" sa bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.