ALAMIN: Paano aalagaan ang balat ngayong tag-init? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano aalagaan ang balat ngayong tag-init?

ALAMIN: Paano aalagaan ang balat ngayong tag-init?

ABS-CBN News

Clipboard

Maaaring magdulot ng pagkasunog ng balat o kaya skin cancer ang sobrang pagbababad sa init ng araw.

Ayon sa Department of Health (DOH), mahalagang protektahan ang balat lalo na ngayong tag-init.

Pinapayuhan na iwasan ang pagbibilad sa araw sa pagitan ng 10 a.m. at 3 p.m., kung saan pinakamatindi ang sinag ng araw.

Mainam rin na sumilong sa lilom hangga't maaari, lalo na sa mga lugar katulad ng beach.

ADVERTISEMENT

Para lalong maiwasan ang sunburn, magsuot ng damit na mahaba ang manggas, gayundin ang mahabang pantalon o palda.

Makakatulong rin ang paggamit ng sunscreen kahit na hindi lalangoy sa dagat.

Para maiwasan ang dehydration, mahalagang uminom ng maraming tubig. Maaari ring gumawa ng mga smoothie o shake mula sa gulay at prutas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.