Single dad na jeepney operator, proud sa anak na pumasa sa Bar exam | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Single dad na jeepney operator, proud sa anak na pumasa sa Bar exam

Single dad na jeepney operator, proud sa anak na pumasa sa Bar exam

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 14, 2022 10:55 PM PHT

Clipboard

Nagpagawa ng tarpaulin ang single father at jeepney operator na si Renato Baysa para sa kaniyang anak na pumasa kamakailan sa Bar Exam. Retrato mula kay Lynk Juren Baysa
Nagpagawa ng tarpaulin ang single father at jeepney operator na si Renato Baysa para sa kaniyang anak na pumasa kamakailan sa Bar Exam. Retrato mula kay Lynk Juren Baysa

Ipinagmalaki ng isang single dad ang mula Barangay Pulang Lupa Dos, Las Piñas City ang kaniyang 28 anyos na anak matapos itong makapasa sa Bar exam kamakailan.

Sa sobrang pagka-proud ni Renato Baysa, nagpagawa pa ito ng tarpaulin para sa anak na si Lynk Juren, na isinabit sa puno ng kanilang bahay.

Nakasulat sa tarpaulin: "Congratulations! From: Daddy, the single parent who sacrificed everything for your good. I am proud of you."

Ayon kay Renato, isang linggo bago ilabas ang resulta ng Bar exam ay nakahanda na ang tarpaulin.

ADVERTISEMENT

Nang malaman ng anak noong Martes na nakapasa ito ay agad na niya umano itong isinabit.

Nagulat na lamang si Lynk nang makauwi siya galing trabaho na may nakasabit nang tarpaulin para sa kanya.

"Natutuwa sa kaniya kasi siyempre 'yung pangaral ko sa kanila ay hindi nila ako binigyan ng problema," ani Renato.

Pangalawa si Lynk Juren sa tatlong magkakapatid.

Ikinuwento ni Renato na hindi biro ang kanyang pinagdaanan para maitaguyod ang kanilang buhay na mag-aama.

Siyam na taon umanong nagtrabaho sa Japan si Renato at nang umuwi sa Pilipinas noong 2002, bigla silang iniwan ng kaniyang misis.

Siya na ang nag-iisang bumuhay sa kanyang mga anak, una bilang mekaniko ng mga sasakyan hanggang sa naging operator ng mga pampasaherong jeep.

"Mula noong mga bata sila ay sinasabi ko sa kanila na mag-aral silang mabuti dahil wala akong maipapamana sa kanila kung hindi 'yung aral lang nila," anang ama.

Retrato mula kay Lynk Juren Baysa
Retrato mula kay Lynk Juren Baysa

Sobrang nagpapasalamat si Lynk sa sorpresa at sa mga sakrispisyo ng kaniyang tatay para sa kanilang magkakapatid.

"Nagpapasalamat po ako sa tatay ko na hindi po kami iniwan at nagsakripisyo po siya na kahit nagsimula kami sa wala noong umuwi siya ay hindi siya sumuko sa amin," ani Lynk.

"Lagi niyang sinasabi na mangarap kayo na makapagtapos dahil 'yon lamang daw po ang magandang maiiwan niya po sa amin," dagdag ng bagong abogado.

Nagtapos sa Arellano University School of Law si Lynk at kasalukuyan nagta-trabaho sa Court Management Office sa Office of the Court Administrator ng Korte Suprema.

— Ulat ni Grace Alba

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.