Higit 300-taong Salasa Church, dinarayo ngayong Semana Santa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 300-taong Salasa Church, dinarayo ngayong Semana Santa

Joanna Tacason,
ABS-CBN News
Published Apr 14, 2017 04:25 PM PHT

BUGALLON – Sa itsura pa lang ng simbahan dito ay makikita na ang katandaan ng Our Lady of Lourdes Church, na kilala rin bilang Salasa Church.

Ipinatayo raw kasi ito sa panahon pa ng mga Kastila noong 1720 sa Pangasinan.

Bagama't napinsala ang ilang parte ng simbahan noong 1953 dahil sa pag-apaw ng Ilog ng Agno, hindi pa rin natitinag ang pagpunta dito ng mga deboto. Pinaniniwalaan kasi itong mapaghimala, dahil kilala ang Our Lady of Lourdes bilang patron saint ng mga may sakit.

Ngayong nalalapit na Semana Santa, inaasahan ang muling pagdagsa ng mga deboto para sa Bisita Iglesia.
Ngayong nalalapit na Semana Santa, inaasahan ang muling pagdagsa ng mga deboto para sa Bisita Iglesia.
ADVERTISEMENT
Itinuturing namang center of Marian devotion ang Salasa Church dahil makikita dito ang naglalakihang imahe ng Birheng Maria, tulad ng Our Lady of Manaoag, Our Lady of Fatima, Our Lady of Antipolo, Our Lady of Mt. Carmel, at Inang Poong Bato.

Bukod dito, puwede ring magsulat ng panalangin o kaya hiling sa Pilgrim's Area ng simbahan.

Makikita rin sa bakuran ng simbahan ang life-sized images ng pagpapakasakit ni Hesukristo o Stations of the Cross.

Bukas naman ang simbahan para sa mga debotong nais pumasyal at manalangin sa Inang Birheng Maria.