ALAMIN: Paano makakaiwas sa rabies? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano makakaiwas sa rabies?

ALAMIN: Paano makakaiwas sa rabies?

ABS-CBN News

Clipboard

Isa ang rabies sa mga karaniwang kinakatakutan kapag tag-init, ayon sa Department of Health (DOH).

Paliwanag ni Dr. Raffy Deray, tumataas ang nabibiktima ng mga kagat ng aso o pusa tuwing tag-init.

Kabilang sa mga sintomas ng rabies infection ay ang lagnat o pananakit ng ulo, pananakit o pamamanhid ng bahagi ng katawan na kinagat ng hayop, at deliryo at pagkaparalisa.

Sintomas din ng rabies infection ang pamumulikat ng mga kalamnan, gayundin ang "pagkatakot" sa hangin at tubig.

ADVERTISEMENT

Ayon sa DOH, hindi kaagad lumalabas ang sintomas ng rabies infection. Wala na ring lunas kapag lumabas na ang mga sintomas nito.

Dahil dito, mahalaga ang first aid o paunang lunas kapag nakalmot o nakagat ng hayop na maaring may rabies.

Payo ng DOH, dapat hugasan ang sugat gamit ang sabon at dumadaloy na tubig.

Mahalaga ring magpabakuna kaagad sa doktor, at kinakailangang maobserbahan ang hayop.

Kung hindi alagang hayop ang nakakagat o nakakalmot, mahalagang maipahuli ito upang maobserbahan.

Paalala naman ng DOH sa mga may alagang hayop na pabakunahan ang mga ito mula sa ikatlong buwan mula kapanganakan at taon taon pagkatapos nito.

Huwag rin umanong hayaang gumala ang mga alagang hayop sa kalsada at alagaang mabuti ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapaligo, pagbibigay ng malinis na pagkain, at maayos na matutulugan.

Read More:

DOH

|

rabies

|

health

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.