Mag-ama sa Albay, sabay na pumasa sa Bar exam | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-ama sa Albay, sabay na pumasa sa Bar exam

Mag-ama sa Albay, sabay na pumasa sa Bar exam

Karren Canon,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 18, 2022 04:00 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Hindi makapaniwala ang mag-amang sina Bernardo Belarmino, 57, at Marie Bernardine Belarmino, 26, ng Barangay Bonga, Bacacay, Albay na pareho na nila ngayong naabot ang pangarap na maging isang abogado.

Sa resulta ng 2020/2021 Bar exams na ipinalabas kahapon ng Supreme Court, parehong pumasa ang mag-ama.

Unang nagtapos ng abogasya sa University of Santo Tomas College of Law sa Legazpi ang amang si Bernardo noong 1991 pero ngayon lang pinalad na pumasa sa bar exam sa ika-7 pagkakataon.

First take naman ito ng anak na si Bernardine na nagtapos ng abogasya sa parehong paaralan noong 2020.

ADVERTISEMENT

Hindi magkasama ang mag-ama nang malaman ang resulta ng Bar exam.

"Umalis po ako ng bahay while waiting for the result. I just wanted to be alone during that time. Naglakad-lakad lang po ako tapos nung napadaan ako sa church dun ko na lang po napili mag-stay and nag-pray na lang din po ako while waiting to calm my anxious mind. And while nasa loob ako ng church, dun ko na nakita 'yung result ng bar exam," ani Bernardine.

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/04/13/belarmino.jpg

"Sobrang happy po nang malaman ko na nakapasa ako and si papa. Umiyak po ako nung nalaman ko po na pumasa ako. I was hoping and praying na pumasa po pero hindi ako 100 percent confident na papasa."

"Almost 2 years po namin 'to hinintay since grabeng postponements because of the pandemic. Ang dami na din po namin struggles na pinagdaanan. Grabeng anxiety po because of the pandemic and nag-adjust din po sa online set up ng review. May mga financial constraints din po. Grabe gratitude lang po talaga na nakapasa kaya ako napaiyak."

"Nung makita ko 'yung pangalan namin, nagsigawan kami, napaluhod ako sa altar kasi sympre sa Panginoon ang una nating pasasalamatan. Napaiyak ako kasi sabi ko nagbunga 'yung pagsisikap ko after several attempts. Kung nawalan ako ng pag-asa, hanggang dyan na lang ako. Napakalaking blessing itong binigay sa amin ng Panginoon. My covenant with the Lord is that hindi ko talaga sasayangin itong opportunity na ibinigay sa amin. Talagang papangalagaan ko bilang isang abogado," ani Bernardo.

Ibinahagi ni Bernardine na bata pa lang siya ay pangarap niya na talagang maging abogado at ang kanyang ama talaga ang nagsilbing inspirasyon para magsumikap na maabot ang pangarap.

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/04/13/result.jpg

Pero may mga pagkakataon umano na pinanghinaan siya ng loob para ipagpatuloy ang pag-aaral sa law school.

"Ever since bata pa po ako dream ko na maging lawyer. Na-inspire ako ng dream ni papa. Gusto ko maging lawyer para makatulong sa ibang tao lalo na sa less fortunate individuals. Pero nung nasa law school na ako, may mga times na gusto ko na din mag-give up dahil very taxing talaga. Pero laban lang always and I try to take things one day at a time," ani Bernardine.

Kasalukuyang nagtatrabaho sa isang law office bilang staff si Bernardine at 31 taon na ring nagtatrabaho sa Department of Agrarian Reform ang amang si Bernardo.

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/04/13/bicol2.jpg

Sa ngayon, pag-iisipan muna umano ni Bernardine ang susunod niyang hakbang bilang isang bagong abogado.

Samantala, tatapusin muna ng kanyang amang si Bernardo ang 3 pang natitirang taon nito sa DAR bago mag-retiro at tuluyang pasukin ang karera sa abogasya.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.