Ngayong Holy Week, subukan ang '100 blessings challenge' ni Bo Sanchez | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ngayong Holy Week, subukan ang '100 blessings challenge' ni Bo Sanchez

Ngayong Holy Week, subukan ang '100 blessings challenge' ni Bo Sanchez

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Hinikayat ni Bro. Bo Sanchez ang publiko na subukan ang "100 blessings challenge" ngayong Holy Week upang magkaroon ng positibong disposisyon sa buhay.

Sa "Magandang Buhay," ibinahagi ni Sanchez na ito ang parati niyang ipinapayo sa mga taong puno ng takot at galit ang puso sa panahon ng krisis na dulot ng COVID-19.

Ayon sa mangangaral, ang kailangan lamang gawin ay maglabas ng papel at panulat, at ilista ang 100 biyaya na natanggap -- maliit man o malaki.

"Maski 'yung maliliit na blessings, [tulad ng] nakakakita ako, nakakarinig ako, nakakagalaw ako, nakakalakad ako. Isulat mo 'yan. One hundred blessings. Magpasalamat ka," aniya. "Kung umabot ka sa 33, o 62, okay lang 'yan. Pero subukan mong mag-100."

ADVERTISEMENT

Kuwento ni Sanchez, malaki raw ang naitulong ng challenge na ito sa mga taong lumapit sa kanya.

"I guarantee it. Kasi lahat ng tao na gumawa nun bumalik sa akin, [sabi] 'Bro. Bo, nagbago pananaw ko, nagpapasalamat na ako. Masaya na po ako,'" aniya.

"We forget na blessed na blessed po tayo, and gratitude is so powerful... Hindi puwedeng sumama sa isipan mo ang galit at pasasalamat, o takot at pasasalamat. Ang pasasalamat po ay napakamakapangyarihan."

Excited naman ang mga "Magandang Buhay" host na gawin ang 100 blessings challenge ni Sanchez.

"This is really very, very good. Alam mo sa tinanda kong ito, ngayon ko lang ito gagawin. One hundred blessings," ani Karla Estrada.

"Ako rin!" dagdag ni Jolina Magdangal. "Isama natin ang mga anak natin."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.