PANOORIN: Iba't ibang swimming destinations ng mga Pinoy | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Iba't ibang swimming destinations ng mga Pinoy

PANOORIN: Iba't ibang swimming destinations ng mga Pinoy

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patok ngayon ang swimming para sa mga mag-anak at magbabarkadang nais matakasan ang mainit na panahon.

Libo-libo ang dumayo sa isang resort sa Pandi, Bulacan na may samu't saring swimming pools na puwedeng paglubluban.

Sa tantiya ng pamunuan ng resort, dinayo sila ng 12,000 na bisita noong Linggo ng Pagkabuhay.

Lalo pang enjoy ang mga nasa resort dahil nakakasalamuha nila ang mga naka-costume ng superhero tuwing weekend.

ADVERTISEMENT

Mayroon din namang mga mag-anak na nagkasya nang mag-swimming sa kanilang inflatable pool sa tapat ng bahay.

Tulad sa isang barangay sa Tondo, Maynila kung saan masayang-masaya ang mga bata at matatanda na magtampisaw sa inflatable pool.

Bukod sa walang schedule ang pool, abot-kaya rin ang swimming dahil walang entrance fee.

Kung mayroong nagsawa sa paglangoy, may mga naudlot din ang planong mag-beach.

Pinagbawalan kasi ng Philippine Coast Guard ang mga nagbalak na lumangoy sa Manila Bay.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paglangoy sa maruming tubig ng Manila Bay.

Kaya naman ang mga naudlot ang planong swimming, nagkasya na lang sa pagtanaw ng sunset sa Manila Bay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.