Ano ang sanhi ng natutuyong balat? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ano ang sanhi ng natutuyong balat?

Ano ang sanhi ng natutuyong balat?

ABS-CBN News

Clipboard

Isa sa mga karaniwang suliranin sa balat ang pagkatuyo nito na minsan pa'y nauuwi sa pagtutuklap ng bahagi nito.

Maraming bagay ang nakaaapekto sa panunuyo ng balat, ayon kay Cory Quirino sa kaniyang programang "Ma-Beauty Po Naman" sa DZMM.

Isa na rito ay ang dehydration o ang kakulangan ng kinakailangang tubig sa katawan.

"Kung ikaw ay hindi umiinom ng walo hanggang 10 baso ng tubig kada araw, malaki po ang posibilidad na makaranas kayo ng pagkatuyo ng balat at pangangati," paliwanag ni Quirino.

ADVERTISEMENT

Payo niya, tiyaking makauubos ng isang basong tubig kada oras para maiwasan ang panunuyo ng balat.

Salik din sa pagkatuyo ng balat ang pagbaba ng nibel ng hormones sa katawan tulad ng estrogen sa kababaihan.

"Mula sa edad ng 25 pataas, ang bilang ng hormones na inilalabas ng ating katawan ay unti-unting bumababa. Isa sa mga sintomas nito ay ang pagkatuyo ng kutis," ani Quirino.

Puwede ring diyeta ang sanhi ng natutuyong balat, ayon kay Quirino.

Aniya, kailangan ng katawan iyong "good fats" o uri ng fats na mabuti sa kalusugan.

"Kumain ng good fats... [tulad] ng sardinas, mataas 'yan sa Omega 3, o di kaya avocado. Good fatty oil tulad ng olive oil at virgin coconut oil. Fatty fish tulad ng mackerel, salmon para manatiling healthy ang cells natin."

Inirekomenda rin ni Quirino ang pagkukuskos o pag-exfoliate ng dry skin, isa o dalawang beses kada buwan.

Hindi rin kailangang bumili ng mamahaling body scrub para mag-exfoliate, ayon kay Quirino.

Kung nanaisin ng homemade body scrub, puwedeng maghalo ng asukal at virgin coconut oil para gawing pamahid sa balat.

Puwede ring samahan pa iyan ng raw oatmeal, hindi 'yong instant, para mas maging epektibong body scrub.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.