Ano ang benepisyo ng organic farming? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang benepisyo ng organic farming?
Ano ang benepisyo ng organic farming?
ABS-CBN News
Published Apr 08, 2018 03:17 PM PHT
|
Updated Jan 22, 2019 01:02 PM PHT

Isang landscape architect si Ross Aron na madalas dumadalo sa mga seminar ng Agricultural Training Institute (ATI) para matuto ng organic farming o iyong paraan ng pagtatanim ng mga organic na pagkain.

Aniya, nakatutulong umano ito dahil karamihan sa kaniyang mga kliyente ay nagnanais magkaroon ng sariling organic farm.

"Today kasi, there's a general trend ng healthy living. So parang, they (kliyente) prefer na 'yong food na kakainin nila is made from organic sources," ani Aron.

"Even 'yong landscape nila, to have a healthy environment... [I can provide] alternative solutions for organic landscaping or farming," dagdag niya.

ADVERTISEMENT
Kadalasan ibinibida ang mga pagkaing organic bilang alternatibo sa mga karaniwang itinitinda na prutas at gulay dahil sa kawalan nito ng mga kemikal na mapanganib sa kalusugan.

Maituturing na organic ang gulay kapag hindi ito ginamitan ng pesticides at iba pang artificial chemicals. Sa halip, natural na mga pampataba gaya ng dumi ng hayop ang ginagamit sa pagtanim nito.

Isa rin sa mga nagsasagawa ng organic farming ay si Arnel Damian, na may maliit na espasyo sa kaniyang bahay kung saan siya nagtatanim.

Napayabong ni Damian sa loob ng tatlong buwan ang kaniyang taniman. Bukod sa nagagamit niya ang kaniyang natutunan, nakatitipid pa siya sa pang-araw-araw na gastos sa pagkain.

Nais din ng bomberong si Damian na ibahagi sa kaniyang mga katrabaho ang mga natutunan hinggil sa organic farming.

Nakalatag na ang mga pagsasanay na idaraos ng ATI para sa taong 2018.

"Hindi lang [ito for] farmers, kung professionals tayo or wala tayong ginagawa sa bahay at gusto nating ma-improve ang ating capacity or skills on how to produce agricultural crops and animals, they can come," sabi ni ATI Director Luz Taposok.

Kabilang sa mga isasagawa nilang seminar sa mga susunod na buwan ang mga sumusunod:
• Abril 13 - Urban agriculture 2: Composting and vermiculture
• Mayo 11 - Mango production and processing
• Hunyo 8 - Vegetable production and processing
• Hulyo 13 - Coffee production and processing
• Agosto 10 - Swine production and meat processing
• Setyembre 14 - Poultry production and processing
• Oktubre 12 - Cutflower production and flower arrangement
• Oktubre 19 - Mushroom production
• Nobyembre 9 - Cacao production and processing

Libre at bukas para sa lahat ang mga seminar ng ATI.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
agrikultura
pagtatanim
farming
organic food
organic farming
Agricultural Training Institute
Department of Agriculture
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT