The Correspondents CA Throwback: Iba't ibang 'panata' ng mga Pilipino tuwing Semana Santa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
The Correspondents CA Throwback: Iba't ibang 'panata' ng mga Pilipino tuwing Semana Santa

Sherwin Tinampay,
ABS-CBN News
Published Apr 07, 2023 06:18 PM PHT

Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pamamanata tuwing sasapit ang Semana Santa.

Mayroong nagpapapako sa krus, nagbabasa ng pasyon o 'di kaya'y nag-aalay-lakad habang nagdarasal.

Sa pamamagitan nito, naipakikita ng ilan ang debosyon sa naging sakripisyo ng Panginoon sa tao.

Sa dokumentaryo ni Karen Davila noong 2006, nakilala niya ang sagradong Katoliko na si Nanay Mary Hernandez ng Bulacan.

Taong 1995 nang simulan ni Hernandez ang pagbabasa ng pasyon.

Ayon sa kaniya, ang pamamanata niya ang nagligtas sa kaniyang buhay ng maraming beses.

"'Yan po ang dahilan ng malalim na relasyon ko sa Panginoon, 'yun pong pagbabasa ko ng pasyon sa kaniya. 'Yun po ang lagi kong naaalala na Siya ay nakikita ko po 'yung Kaniyang ginagawa sa pasyon na paghihirap Niya para pong tumitimo sa puso ko na 'yung Kaniyang ginagawa ay kasalanan ko. Lahat ng kasalanan ko nagawa para po talagang sinasabi na kung 'di sa akin hindi ako maipapako sa krus. Ganoon po 'yung aking nararamdaman," emosyonal niyang pagbabahagi.

Nagkaroon ng bara sa puso si Hernandez na sinundan ng catarata at pagputol sa kaniyang spinal cord kung saan sinabihan na siya ng doktor na hindi na siya muling makalalakad.

Sa kabila ng kaniyang naging karamdaman, pinaghimalaan diumano siya ng Panginoon dahil naging maayos ang kaniyang kondisyon.

"Lahat po ng bagay kasi itinataas ko na po sa Panginoon. Ngayon po 'pag ako po ay nagdasal kahit matagal, hinihintay ko po na mangyari 'yung aking dinasal kaya lang po hindi naman po ako nainip kasi sabi naman sa salita ng Diyos may oras at may takdang panahon," aniya.

PAG-ASA SA PAMAMANATA
Malalim umano ang paniniwala ng mga Pilipino sa pamamanata.

Ayon sa isang anthropologist, dahil umano ito sa "magbibigay sa kaniya ng pangako na mayroong pag-asa."

"Kalimitan 'yun ang kanilang tinatanggap kaya't tumatanggap sila ng hamon na pangako. Pagkatapos sunod ng pangako siyempre 'yung pagpapanata," pahayag ni Dr. Prospero Covar.

Kilalanin ang ilan sa mga kababayan nating gumagawa ng iba't ibang panata tuwing Semana Santa sa dokumentaryong 'Panata' ng programang 'The Correspondents' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong 2006.

RELATED LINK:
Read More:
Tagalog news
Current Affairs
CA Throwback
Current Affairs Throwback
Semana Santa
Panata
Pasyon
Bulacan
Pampanga
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT