BARCELONA - Isang lecture at art workshop ang handog ng Malaysia-based Filipina visual artist na si Anna Karina Jardin tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at mga pamanang tradisyon ng Espanya.
Photo from PCG Barcelona
May 22 grade 5 pupils mula sa Escola Sant Francesc d'Assís Barcelona ang dumalo sa okasyon na ginanap noong March 23 sa Philippine Consulate sa Barcelona.
Photo from PCG Barcelona
Ang mga mag-aaral ay pangalawa at pangatlong henerasyong Pilipino, habang ang iba ay nagmula sa Pakistan at Bangladesh. Kasama rin ang punong-guro ng paaralan na si Maite Fenollosa Tallada at ang kanilang guro na si Sara Bilol.
Photo by PCG Barcelona
Tampok ang pagbuo ng collaborative artwork na ginawa ni Jardin at ng mga mag-aaral, para bigyan diin ang halaga ng sining at bayanihan bilang katangian ng pagiging Pilipino.
Hinikayat ni Consul General Maria Theresa S.M. Lazaro ang mga estudyanteng Pilipino na balikan ang kanilang kasaysayan at ugat bilang Pilipino.
Photo by PCG Barcelona
Ayon kay Jardin, "Napapanahon din na gumawa tayo ng mga programang tulad nito dahil ito lang ang paraan upang mapanatili natin ang ating sigasig bilang mga Pilipino sa ibayong dagat at upang muling buhayin ang halaga ng ating pamana."
Photo by PCG Barcelona
Nagpasalamat ang mga opisyal ng paaralan sa imbitasyon ng Konsulada na makilala ang iba-ibang aspeto ng pamana ng Espanya sa Pilipinas; na isang magandang paraan para mapaghusay ng mga guro ang pag-unawa sa kaugalian at kultura ng mga mag-aaral na Pilipino.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain. Tumutok sa TFC News sa TV Patrol.