RECIPE: Kadyos, baboy, at langka (KBL) | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Kadyos, baboy, at langka (KBL)
RECIPE: Kadyos, baboy, at langka (KBL)
ABS-CBN News
Published Apr 05, 2018 05:44 PM PHT
|
Updated Jan 16, 2019 12:13 PM PHT

Sikat na Ilonggo dish ang itinuro ng guest kusinero sa Umagang Kay Sarap segment ng "Umagang Kay Ganda."

Ito ang tinatawag na "kadyos, baboy, at langka" o kilala rin bilang KBL.

Iyun nga lang, medyo may kahirapan mahanap sa Maynila ang ilang sangkap nito kaya nagbigay si Chef Enzo Singson ng mga alternatibo.

Upang simulan ang paggawa sa kadyos, baboy, at langka o KBL, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:
• 3 piraso ng bawang
• 1 piraso ng puting sibuyas
• 3 piraso ng kamatis
• 1 kutsarang guinamos (Ilonggo version ng bagoong alamang)
• 1/2 kilo ng pata
• 1/2 kilo ng langka
• 3/4 tasa ng kadyos
• 2 pirasong tanglad
• Toyo
• Siling pang-sigang
• Pampaasim (tamarind powder)
• Brown sugar

ADVERTISEMENT
Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Isunod na idagdag ang kadyos at pampaasim na tamarind powder.

Ilagay ang guinamos. Bahagyang tagalan para malutong maigi ang guinamos at matanggal ang lansa nito.

Ang guinamos ay madalas nakukuha sa Negros pero maaari namang alternatibo dito ang bagoong alamang.

Lagyan ng kaunting brown sugar. Timplahan ng toyo at patis bilang pampalasa.

Isama na ang pata. Kung walang pata at maaaring gumamit ng liempo o kasim.

Lagyan ng tubig at pakuluan ito hanggang lumambot ang pata.

Matapos ang 30-45 minuto, ilagay ang langka, tanglad, at siling pang-sigang.

Handa na ang KBL at maaari na itong ihain.