Tulong para sa mga hayop ng Amlan Zoo, bumuhos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tulong para sa mga hayop ng Amlan Zoo, bumuhos

Raffy Cabristante,
ABS-CBN News
Published Apr 03, 2023 09:33 PM PHT
|
Updated Apr 05, 2023 08:07 PM PHT

AMLAN, Negros Oriental (UPDATED)— Bumuhos ang tulong para sa dose-dosenang mga hayop ng Dreamland Nature and Adventure Park (DNAP) mula nang naisapubliko ang kakulangan nito sa pagkain at gamot kamakailan.

Nitong Martes, dumagsa ang ilang mga estudyante mula sa paaralang Teamskills ng Dumaguete City upang personal na magpaabot ng ayudang pagkain.

Sako-sakong karne at gulay ang binigay ng naturang mga mag-aaral para sa mga hayop ng DNAP, lalo na para sa mga tigre nitong sina Byron at Basyang.

Nagpaabot din ang mga mag-aaral ng Negros Oriental State University (NORSU) ng pinansyal na tulong na aabot ng mahigit P12,000. Nagmula ang nasabing tulong sa ambagan ng mga estudyante mula sa kani-kanilang mga baon.

Nagpasalamat ang tagapangalaga ng DNAP na si Anabella Riso sa tulong na natanggap nila.

Aniya, malaking tulong ang mga ulat ng ABS-CBN News upang mas maisapubliko pa ang sitwasyon ng zoo.

Mula noon, sunod-sunod na ang mga grupong pumunta sa zoo upang magpaabot ng tulong.

Personal na rin daw na pinuntahan ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang malaman kung anong aksyon ang puwedeng gawin sa DNAP.

"Marami pong salamat sa lahat ng mga may pusong tumulong sa amin," ani Riso sa wikang Cebuano.

Nagpasalamat din ang concerned citizen na si Corinne Alexa Saligue sa sunod-sunod na ayudang natanggap niya para sa zoo.

Si Saligue ang unang nagsiwalat ng sitwasyon ng DNAP sa social media noong Pebrero. Siya rin ang nangunguna sa donation drive para sa mga hayop nito.

"They're saying thank you for the love!" ani Saligue sa kanyang Facebook post nitong Martes.

Ito na ang ikaapat na beses na pumunta sina Saligue sa zoo upang magpaabot ng tulong.

Aniya, nakalikom na sila ng mahigit P128,000 na ayuda mula sa mga donasyon.

Ayon naman sa pinuno ng DENR sa Negros Oriental na si Engr. Viernov Grefalde, nakatakda magpulong ang kagawaran at ang pamunuan ng zoo sa Abril 15 upang mapagdesisyonan ang kapalaran ng DNAP.

Handa ang DENR na kunin ang 77 hayop na ipina-loan nila sa zoo sakaling umatras na ang pamunuan ng DNAP sa pagpapatakbo nito, sabi niya.

"By (April) 15, malalaman natin kung anong posisyon nila (ng DNAP), then doon na tayo makakapag-decide kung mag-schedule ba tayo ng rescue ng initial 77 (na hayop), and then the fate of the remaining animals like the tiger, like the camel," sabi ni Grefalde.

KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT