TINGNAN: Dahon ng niyog tampok sa baby photoshoot | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Dahon ng niyog tampok sa baby photoshoot

ABS-CBN News
Published Apr 03, 2022 04:15 PM PHT
|
Updated Apr 03, 2022 06:03 PM PHT

Kakaiba ang 3rd month photoshoot ni baby Princess Raymundo nitong Marso 10 dahil suot nito ang ternong crop top, palda, bag, head band, at sandals na pawang gawa sa dahon ng niyog.

Ayon kay Mommy Neljirose Raymundo na taga-Magpet, Cotabato, gusto nilang maging unique ang photoshoot ni baby Princess at makatipid rin sa gastos pambili ng outfit.

Nagpasalamat si Neljirose sa supportive na lolo ni baby Princess dahil siya ang kumuha ng mga dahon ng niyog.

"Hindi naman po kami nahihirapan sa paggawa ng OOTD ni baby. Natutunan namin ang paggawa ng ganyang disenyo sa turo ng mga lolo at lola namin nuong unang panahon kasi ganyan ang ginagamit nila pang-dingding at atip ng bahay, kaya naisipan ko na gayahin para sa OOTD ni baby," ani Neljirose.

Noong Pebrero 10, dahon rin ng saging ang suot ni baby Princess sa kaniyang 2nd month photoshoot.

Pinag-iisipan na nina Neljirose at kaniyang asawa kung ano na naman ang susuotin ni baby Princess sa susunod na photoshoot nito.

-- Ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Tagalog News
PatrolPH
Regional News
Regions
baby
baby outfit
baby photoshoot
damit gawa sa dahon
damit gawang dahon
suot ng baby
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT