RECIPE: Egg surprise | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Egg surprise

RECIPE: Egg surprise

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinagdiwang noong Linggo ang Easter o Linggo ng Pagkabuhay, kung saan kabilang sa karaniwang aktibidad na idinaraos ang paghahanap ng mga Easter egg o iyong mga itlog na mayroong dekorasyon.

Kaya itlog din ang naging pangunahing sangkap ng chef na si Fernando Barba sa ibinahagi niyang natatanging potahe nitong Lunes sa "Umagang Kay Ganda."

Ito ang egg surprise o tinatawag ding scotch eggs.

Narito ang mga sangkap sa pagluluto ng egg surprise:
• Mantika
• Harina
• Asin
• Paminta
• Itlog
• Quail egg o itlog ng pugo
• Carrot
• Bell pepper
• White onion o sibuyas
• 1/2 kilo ng giniling na baboy
• Chili flakes
• Bread crumbs

ADVERTISEMENT

Pagsamahin muna sa isang bowl ang carrots, sibuyas, bell pepper, ground pork, at itlog bago haluin ng mabuti.

Sunod ay timplahan ng 1 kutsara ng asin, 1 kutsarita ng paminta, at chili flakes ang mga pinaghalong sangkap.

Ihalo ang itlog sa giniling mixture.

I-roll naman ang quail egg sa harina at balutin ng giniling mixture.

Pagulungin ang binalot na quail egg sa bread crumbs at i-deep fry o prituhin ng tatlo hanggang limang minuto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.