TINGNAN: Mga patok na pasyalan sa Camiguin island | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga patok na pasyalan sa Camiguin island

TINGNAN: Mga patok na pasyalan sa Camiguin island

Jervis Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Ngayong papalapit na ang summer, maaaring subukang pasyalan ang isla ng Camiguin, na bukod sa mga tanawin at beach ay dinarayo rin bilang pilgrimage site kapag Semana Santa.

Kuha ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Malinaw ang tubig sa mga beach at pino ang puting buhangin sa mga dalampasigan kaya't pasok itong alternatibo sa ngayo'y kontrobersiyal na isla ng Boracay.

Kuha ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Ang Mantigue Island, dinarayo na ngayon ng mga turista dahil sa angking ganda ng isla. Nasa 15 minutong boat ride lamang ito mula sa main land kaya't swak sa mga naghahanap ng kakaibang summer destination.

Bukod sa beach, hitik din ang Camiguin sa iba pang mga pasyalan.

ADVERTISEMENT

Kuha ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Sa mga nature lovers, puwedeng puntahan ang Tuasan falls na halos nagyeyelo ang lamig ng tubig.

Kuha ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

May cold at hot springs din naman sa paanan ng Mount Hibok-Hibok na magandang pampa-relax ng katawan.

Kuha ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

May soda pool pa na puwedeng inumin ang tubig.

Pilgrimage sites

Pero bukod sa mga summer pasyalan, may mga pumupunta din sa Camiguin para sa mga pilgrimage site nito.

Kuha ni Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Isinagawa nila ang Panaad 2018 o ang Via Crucis sa buong isla, kung saan libo-libong deboto ang sumali.

Isa sa mga dumayo ang 42 taong gulang na si Nelia Abella mula pa Cospostela Valley. Taunan daw silang pumupunta sa Panaad kasama ang kaniyang mga kaibigan.

"Meron din kaming mga hiling na alam namin na binibigay ni God without us knowing kaya every year babalik talaga kami to give thanks and ask again another blessing for the whole year sa aming pamumuhay," ani Abella.

May Stations of the Cross walkway din kung saan ang mga istasyon ay kailangan akyatin sa gilid ng bundok.

Kuha ni Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Sikat ding puntahan sa Camiguin ang malaking krus na nasa gitna ng dagat o ang "Sunken Cemetery."

Dati itong libingan na lumubog sa tubig matapos pumutok ang tinatawag nilang Mt. Vulcan noong 1871.

Kuha ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Sa gitna ng Mambajao ay makikita naman ang simbahan ng San Nicolas de Tolentino na dinarayo din tuwing Semana Santa.

Hitting two birds in one stone kapag pumasyal sa isla. At dahil punung-puno ng magagandang tanawin, tiyak na ikaw ay "mapapa-Camiguin."

--May ulat ni Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.