TINGNAN: Mga likas na yaman, tradisyon ng Palawan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Mga likas na yaman, tradisyon ng Palawan

Chinee Palatino,
ABS-CBN News
Published Mar 31, 2017 09:24 PM PHT

PUERTO PRINCESA CITY - Tampok sa mga kuha ng isang amateur photographer ang ganda ng kalikasan ng Palawan.

Ilan sa mga kinuhaan ng Palaweñong si John Yayen ang Mt. Mantalingahan, na isa sa mga protected areas sa bansa; ang Malampaya Sound na isang mayamang fishing ground; ang Honda Bay na paboritong pasyalan ng mga turista; ang Mt. Saint Paul kung nasaan ang sikat na World Heritage Site na Underground River, at marami pang iba.

Isang negosyante si Yayen at nahilig lang sa potograpiya noong 2013.

Nagalugad na niya ang mga bayan sa Palawan para lamang makakuha ng magagandang litrato.

ADVERTISEMENT
“Primary purpose talaga ng mga pagkuha ng shots na ito is to create awareness about what Palawan has to offer, ano ‘yung mga meron tayo na hindi alam ng iba at ano ‘yung mga meron tayo na wala sa iba,” ani Yayen.

May mga imahe rin siyang kuha na nagkukwento tungkol sa pamumuhay, kultura at tradisyon ng mga taga-Palawan, katulad na lang ng sea cucumber farmer mula sa Barangay Sibaltan, El Nido;
isang katutubong Batak na naghahabi ng basket sa Barangay Tanabag, Puerto Princesa; larawan ng isang katutubong Tao't Bato sa Singnapan Valley sa bayan ng Rizal; at isang Pangutaran Muslim weaver mula sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza.

Sa pagkuha ng mga litrato, marami siyang nakakasalamuhang iba’t ibang grupo ng katutubo kaya importante raw ang cultural sensitivity.

Napagtanto rin ni Yayen na makapangyarihan ang mga larawan. Kaya raw kasi nitong makapagpabatid ng mensahe o ‘di kaya ay makalikha ng interes mula sa mga tumitingin dito.

Kaya naman naging adbokasiya na niya ang magbahagi ng kaalaman tungkol sa Palawan sa pamamagitan ng mga kuha niyang larawan.

“I hope I can inspire others, like the academe. Sa akin, hanggang photos lang makukuha ko, hopefully sana sila naman mapag-aralan nila,” kwento niya.

Hanga naman ang ilang turista sa mga naka-exhibit na litratong kuha ni Yayen.

“We can see different kinds of culture, different landscapes, hills, beaches, and islands. It’s very wonderful,” ani Daniel Matos, isang turista galing Portugal.

Plano raw ni Yayen na dayuhin maging ang malalayong island municipalities sa lalawigan.

Bukod sa mga exhibit, naibabahagi rin ni Yayen ang kanyang obra sa social media kalakip ang ilang mahalagang impormasyon tungkol sa litrato.

Narito ang ilan sa mga litratong kuha ni John Yayen: