BASAHIN: Ilang paalala para sa #SemanaSanta2018 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BASAHIN: Ilang paalala para sa #SemanaSanta2018

BASAHIN: Ilang paalala para sa #SemanaSanta2018

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 31, 2018 09:16 PM PHT

Clipboard

Sa pagsisimula ng ilang araw na bakasyon at panahon ng pagninilaynilay, narito ang ilang impormasyong maaari mong kailanganin ngayong #SemanaSanta2018:

BLOWBAGETS

Ngayong Holy Week, nagpapaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga pamilya o magbabarkadang bibiyahe na itatak sa isip ang acronym na BLOWBAGETS o brakes, light, oil, water, batteries, air, gas, engine, tires, at self.

Biyahe ng mga linya ng tren

Dahil inaasahang kaunti lang ang tao sa Maynila, wala namang biyahe ang LRT-1 at LRT-2 simula Marso 29 hanggang Abril 1.

Wala ring operasyon maging ang MRT-3 at ang bus augmentation service nila simula Marso 28 hanggang Abril 1.

ADVERTISEMENT



Ang PNR, suspendido rin ang biyahe simula Marso 29-30 pero may special operations sila sa Marso 31 ng gabi.

Mga emergency hotline

Narito naman ang mga numero ng mga ahensiya ng gobyernong maaaring tawagan sa oras ng kagipitan:

Road courtesy tips

Para sa mas matiwasay na pagbaybay sa mga kalsada, narito ang ilang paalala para sa kaligtasan mo at ng iyong kapwa.


Iskedyul ng mga mall

Buksan naman ang link sa ibaba upang makita ang listahan ng ilang mall at ang kanilang iskedyul ngayong Semana Santa:


Iskedyul ng mga mall

Upang maisaayos ang mga transaksiyon sa bangko, i-click ang link sa ibaba para sa iskedyul ng ilan sa mga ito:


Mga pasyalan at maaaring aktibidad ngayong bakasyon

Isa sa mga paboritong destinasyon ng mga turista ang Ilocos Norte. At habang papalapit ang Semana Santa, puwede rin itong maging pilgrimage destination.

Kasalukuyang namang ginaganap sa Cavite City ang "Live Via Crucis." Tradisyon ito para ipakita ang paghihirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus.

Kung naghahanap ng maaksyong aktibidad ngayong Holy Week, maaaring subukang mag-trekking sa jungle trail sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan sa Puerto Princesa City.

Dahil sa inaasahang dagsa ng turista ngayon, bida naman sa Baguio City ang ilang magandang pasyalan na lugar din para sa mga magninilaynilay.

Para naman sa mga mamamalagi lamang sa Maynila, narito ang listahan ng mga hotel na siguradong swak sa budget mo.

Sa kabila nito, dapat alalahanin na ang Semana Santa ay isang okasyon ng pag-alala ng mga Katoliko sa sakripisyo ni Hesukristo, at marapat na gamitin ito upang magnilaynilay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.