Bakit patok sa mga Pinoy ang mga anting-anting? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit patok sa mga Pinoy ang mga anting-anting?

ABS-CBN News
Published Mar 28, 2018 09:10 PM PHT

Dekada 60 nang magsimulang pumuwesto si Dante Lacbay sa gilid ng Simbahan ng Quiapo para magbenta ng mga anting-anting, na pinaniniwalaang pampasuwerte o pangontra.

Ayon kay Lacbay, kasama sa serbisyo nila ang pag-oorasyon sa mga anting-anting at iba pang pangontra para lumakas ulit ang bertud.

"Kailangan tama 'yong paggamit nila. 'Di sila basta bibili," ani Lacbay.

Sa tindahan ni Lacbay ay may mga pangontra sa disgrasya, sakit, at malas, gaya ng mga amulet na hango sa imahen ni Hesus, mga anghel, at mga santo.

Mayroon ding pantawag ng proteksiyon, at pampasuwerte sa negosyo at pag-ibig.

"Suwerte raw sa amin, parang maakyat ang grasya," ani Cora Bagal, bumibili ng anting-anting.

Mga agimat na bato naman mula Mindoro ang pangontrang binebenta ng pamilya nina Sheila Bejar.

"Effective lahat ng paninda namin, walang bumalik sa 'min na kostumer na hindi tumalab," ani Bejar.

SIMBAHAN, ANTROPOLOHIYA
Ayon kay Fr. Aris Sison, rector ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao, ginagalang ng Simbahang Katolika ang paniniwala ng ibang Pilipino sa mga anting-anting.

Pero mas mahalaga umanong patatagin ang pananampalataya sa Panginoon.

"Ang lakas, ang kapangyarihan ay nanggagaling sa ating Panginoon at sa Panginoon lamang," ani Sison.

"Hindi ito puwedeng manggaling sa kahit anong bagay na puwede natin isuot at dahil dito'y magkakaroon tayo ng kapangyarihan," dagdag niya.

Ayon naman sa social anthropologist na si Melba Magay, sumasalamin ang paniniwala sa mga anting-anting sa "primal religious culture" o paniniwala ng mga sinaunang Pilipino.

"In reality you're caught in a trap. Na-manipulate ka na in such a way na akala mo it will save you, it does not," ani Magay.

Nagpaalala naman sina Sison at Magay na walang pinakamatibay na pangontra sa lahat ng pagsubok kundi ang Panginoon. -- Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News