Tricycle driver sa Pampanga, hinangaan sa pagsauli ng wallet ng pasahero | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tricycle driver sa Pampanga, hinangaan sa pagsauli ng wallet ng pasahero

ABS-CBN News
Published Mar 27, 2021 04:22 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Buo at kumpleto mula sa mga card, lisensya, at cash na humigit kumulang P30,000 ang halaga.

Ganito isinauli ang wallet ni Richard Pangilinan ng driver ng nasakyan niyang tricycle sa bayan ng Guagua, Pampanga noong March 20.

Sa post sa social media ng kasama ni Richard, sinabi nitong itinuturing nilang Good Samaritan ang driver ng sinakyang tricycle.
Pinuri niya ang kabutihan ng driver na sa kabila ng hirap ng buhay na dala ng pandemya, namayani parin ang pagiging matapat nito.

Natuwa naman ang pamilya ng tricycle driver na si Darwin Bansil, lalo na ang kanyang asawa't mga anak, sa pagkakilala sa kaniya.

“'Yan ang asawa ko mapagkakatiwalaan ng kahit na sinong tao," ani Fria, asawa ni Bansil.

Inulan din ng magagandang komento ang nasabing post.

Saludo rin ang lokal na pamahalaan ng Guagua sa katapatan ng tricycle driver, na hinikayat ang iba pa driver na tularan din ang kagandahang asal niya.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO
MULA SA ARKIBO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT