PANOORIN: Yeng, JRoa, at iba pang singer may kanta para sa halalan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Yeng, JRoa, at iba pang singer may kanta para sa halalan

ABS-CBN News
Published Mar 21, 2019 07:52 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Nagsama-sama ang ilan sa mga magagaling na musikero para bumuo ng kanta na naghihikayat sa mga Pilipino na iparinig ang boses sa nalalapit na eleksiyon.

Kabilang sa kanila ang mga singer-songwriter na sina Yeng Constantino at John Roa na tumatak na sa industriya dahil sa kanilang mga sumikat na awitin.

Sinamahan sila ng mga singer na nagkaroon ng mga viral pieces sa social media: sina Brettdane Castillo at Shenikah Supino na minsan nang umawit sa palabas na ASAP ng ABS-CBN.

Sumali rin sa adbokasiya ang mga mang-aawit na sina Jonas Icaro, Jenzen Guino, at Jeremy Novela. Sila ang mga miyembro ng grupo na "JThree" na mas nakilala online dahil sa patok nilang rendisyon ng iba't ibang mga kanta.

Kabilang din ang kilalang Aeta singer na si Richard Estanes sa mga tumugon sa adhikaing bumuo ng awitin.

Upang iparinig naman ang maganda niyang boses, sumama rin si Elsie Balawing -- ang mang-aawit na hindi alintana ang pagkakaroon ng kapansanan sa paningin upang ibahagi sa nakararami ang kaniyang nakakaantig na boses.

Ang kantang binuo nila ay parte ng kampanya ng ABS-CBN para itaguyod ang pakikilahok at ang pagiging responsableng botante sa nalalapit na halalan.

Read More:
Halalan 2019
Yeng Constantino
John Roa
Brettdane Castillo
Shenikah Supino
Jonas Icaro
Jenzen Guino
Jeremy Novela
Richard Estanes
Elsie Balawing
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT