Ano ang epekto ng stress sa pagbubuntis? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ano ang epekto ng stress sa pagbubuntis?

Ano ang epekto ng stress sa pagbubuntis?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 30, 2020 12:56 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

May panganib na dulot ang nararanasang stress ng isang buntis sa sanggol na kaniyang dinadala sa sinapupunan, ayon sa isang parenting expert.

Paliwanag ng eskpertong si Bessie Rios, nagpapawala ng mga hormone na neurohormones ang katawan kapag nakararanas ng stress.

Napupunta ang mga ganitong klaseng hormone, ani Rios, sa placenta ng isang buntis na nakaaapekto sa fetus.

"Nagkakaroon ito (stress) ng epekto sa utak ng bata," sabi ni Rios sa programang "Sakto" ng DZMM.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga bunga ng stress ay premature birth, o panganganak nang mas maaga sa tinantiyang petsa, at problema sa pag-uugali ng bata kapag sila'y isinilang.

Nararamdaman din umano ng isang fetus sa sinapupunan ang kalooban ng kaniyang ina, tulad ng pagtitiwala at pagtanggap, bunsod din ng neurohormones.

"[Ang tiwala sa pagitan ng magulang at anak] ay nagsisimula pa lang noong ang bata ay nasa sinapupunan ng nanay kung saan itong batang ito ay nararamdaman ang damdamin ng nanay niya," paliwanag ni Rios.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.