Dami ng basic goods na mabibili sa supermarkets nilimitahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dami ng basic goods na mabibili sa supermarkets nilimitahan

ABS-CBN News
Published Mar 18, 2020 05:00 PM PHT
|
Updated Mar 18, 2020 06:58 PM PHT

Nilimitahan ang bilang ng mga pangunahing bilihing mabibili ng kada kostumer sa mga supermarket, sabi ngayong Miyerkoles ng opisyal mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Ruth Castelo, Undersecretary for Consumer Protection, inutusan ng ahensiya ang mga supermarket na limitahan ang bilang ng basic goods na mabibili ng mga kostumer, gaya ng ginawa sa alcohol.

Mayroon daw kasing mga may kaya na kostumer na namamakyaw kaya mabilis maubos ang mga bilihin.

Papayagan lang daw iyong pang-isang linggong konsumo sa mga bilihin gaya ng bigas, itlog, manok, kape, gatas at iba pa, ani Castelo.

ADVERTISEMENT
Sa kabila nito, tiniyak ni Castelo sa mga konsumer na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilhin sa mga supermarket.

Bukod sa limitasyon sa nabibiling produkto, mahigpit na ring ipinapatupad sa supermarket ang social distancing para maiwasan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Halimbawa ay kung may 3 taong lalabas sa supermarket, 3 tao ring nakapila sa labas ng establisimyento ang papapasukin.

Sa cashier, may social distancing din na isang metro sa kada magbabayad.

Sinusunod din ang patakaran na 2 tao lang ang puwedeng mag-grocery sa kada kabahayan, na kadalasan ay isang shopper at isang driver. Ang iba naman ay mag-isang nagO-grocery.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
konsumer
bilihin
supermarkets
basic goods
Department of Trade and Industry
social distancing
enhanced community quarantine
COVID-19
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT