ALAMIN: Mga sustansiyang taglay ng mangga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga sustansiyang taglay ng mangga

ALAMIN: Mga sustansiyang taglay ng mangga

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Bukod sa pagiging malaman at bahagyang maasim, mayaman din ang prutas na mangga sa mga bitamina at mineral, na nakatutulong umano sa pagpapalakas ng pangangatawan ng tao.

Nangunguna sa mga sustansiyang taglay ng mangga ang Vitamin A na nakabubuti para sa paglaki ng isang tao, ayon sa nutritionist-dietitian na si Ellesmere Bacabac.

Mayaman din ang mangga sa Vitamin C na nakapagpapalakas ng immune function o kakayahan ng katawan na protektahan ang sarili mula sa mga sakit, sabi ni Bacabac sa “Salamat Dok.”

Mayroon ding thiamine at riboflavin ang mangga na tumutulong umano sa pagproseso ng enerhiyang nakukuha ng isang tao sa pagkain.

ADVERTISEMENT

Taglay din ng mangga ang calcium, phosphorus, iron, at beta carotene, ani Bacabac.

Ayon kay Bacabac, isang slice lang ng mangga ang inirerekomendang kainin kada araw.

Dapat din umanong mag-ingat ang taong may diyabetes sa pagkain ng mangga dahil nakapagpapataas ito ng blood sugar level.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.