Ang facade ng National Museum sa Maynila. George Calvelo, ABS-CBN News/File
MAYNILA - Matapos ang halos isang taong pagkasara, bubuksan na ang National Museum of the Philippines, o ang Museo Pambansa sa Maynila, ngayong Martes.
Kabilang sa magbubukas ay ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History. Ang National Planetarium, na bahagi rin ng National Museum, ay sarado pa rin.
Ayon kay Jeremy Barnes, director general ng museo, limitado muna ang operating hours. Bubuksan ang mga museo alas 9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali, para sa morning session, at ala 1 hanggang alas 4 sa afternoon session.
Tuwing Lunes ay Sarado ang museo.
Nasa 100 bisita lang ang papayagan kada session, at dapat 15 to 65 anyos lang ang edad ng mga bisita, na dapat magdala ng ID na nagpapakita ng petsa ng birthday.
Kailangan din mag pre-book online isang araw bago ang bisita. Bawal muna ang walk-in.
Ipatutupad din ang mga health protocol kagaya ng pagsuot ng face mask at face shield.
Isinara noong Marso 13, 2020 ang museo dahil sa banta ng COVID-19.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
National Museum, National Museum reopening, Museo Pambansa, COVID-19, Manila, Philippines, Philippines updates, TeleRadyo, Tagalog news