PatrolPH

ALAMIN: Kailan nagiging mapaminsala ang pakikinig gamit ang earphones

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2019 07:47 PM | Updated as of Mar 06 2019 04:04 PM

Watch more News on iWantTFC

Nagbabala ang dalawang eksperto sa pinsala sa pandinig ng mahabang panahon na pakikinig gamit ang earphones, lalo na kong nakatodo ang volume ng pinatutugtog.

Sa programang "Good Vibes" ng DZMM sinabi ng audiologist na si John Angelo Gibas na posible pa itong humantong sa hearing loss o pagkabingi. 

"Ang sobrang exposure sa malalakas na tunog ay nakapagdudulot ng hearing loss," aniya. 

Sabi niya, dapat ay 60 decibels pababa lang ang normal na lakas ng tunog na ligtas pakinggan. Katumbas ito ng normal na pakikipag-usap sa tao.

Kung papalo sa 60 o higit pang decibels gamit ang earphones, dapat ay pakinggan lang ito sa loob ng 15 minuto. Ang lakas ng tunog na ito ay katumbas daw ng tunog ng motor.

Ayon naman sa ear, nose, and throat specialist na si Dr. Joy Celyn Ignacio, masyado nang malakas ang volume ng earphones kapag naririnig na raw ng katabi ang pinakikinggan.

"Sinasabi nila na sa karaniwang tao na kapag naka-earphones ka, kung naririnig na ng katabi mo, masyado na 'yang malakas," aniya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.