Panagbenga 2018: Mga namumulaklak na karosa, tampok sa parada | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Panagbenga 2018: Mga namumulaklak na karosa, tampok sa parada

ABS-CBN News
Published Feb 25, 2018 07:45 PM PHT
|
Updated Dec 10, 2019 03:46 PM PHT

Pumarada sa mga kalsada ng Baguio City nitong Linggo ang 23 makukulay at naggagandahang karosa, kasabay ng pagdiriwang ng Panagbenga Festival.

Tampok sa grand float parade ng pista ang mga karosang tadtad ng mga bulaklak at hango ang mga disenyo mula sa sari-saring inspirasyon, tulad ng kulturang Cordillera at mitolohiyang Griyego.

"Napakaganda. I think this is the best festival, so far," sabi ni Tourism Secretary Wanda Teo.

Ayon kay Elmer Datuin, executive chairman of Baguio Flower Festival Foundation Inc., tinatayang nasa halos isang milyon ang bilang ng mga nakisaya sa pista nitong Linggo.

Kaniya-kaniyang diskarte ang mga manonood para matunghayan ang parada, na nagsimula bandang alas-8 ng umaga.

May mga nagpalipas ng magdamag sa Session Road habang ang iba ay umakyat pa sa mga bubong.

Kabilang sa mga tanyag na personalidad na dumalo sa okasyon ay sina Coco Martin, Empoy, at Dionisia Pacquiao.

Matapos ang parada, dagsa naman ang mga turista sa Melvin Jones Grandstand para magpakuha ng retrato at makita ng malapitan ang mga karosa.

Pansamantalang isasara ang Session Road ng isang linggo para sa "Session Road in Bloom," kung saan bibida ang iba't ibang produkto at pagkain mula Baguio.

-- Ulat ni Teomar Bautista, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
rehiyon
pista
Baguio
Panagbenga
Panagbenga Festival
TV Patrol
TV Patrol Weekend
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT