Wedding suppliers at coordinators, nag-ambagan para ipakasal ang mag-asawang mangangalakal sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2021 06:08 AM | Updated as of Feb 21 2021 06:38 PM

Nagkaroon ng libreng photo shoot sa gitna ng mga kalakal ang mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Photo courtesy of Rab4love Studios by Benjamin Agoc

Nag-ambagan ang mga wedding supplier at coordinator sa Pampanga para sa isang charity wedding ng mag-asawang mangangalakal.

Picture perfect prenup shoot sa pedestrian lane, sa gitna ng traffic, at sa gitna ng mga kalakal.

Sa pangunguna ng fashion stylist at makeup artist na si Richard Strandz, nag-ambagan ang grupo ng mga event supplier at coordinator para sa hair and makeup, gown, suit, photos and videos ng mag-asawang sina Rosalyn Ferrer at Rommel Basco.

"Tinry ko na kausapin lahat yung mga Pampanga suppliers na mga friend natin and then pumayag naman sila," ani Strandz.

Watch more in iWantTFC

Napukaw umano ang pansin niya sa ekstraordinaryong pagmamahalan ng ekstraordinaryong mag-asawa mula Angeles City.

Ani Strandz, natuwa siya sa love story nina Rosalyn at Rommel, na 24 taon nang nagsasama.

May anim na anak ang dalawa, at kahit na matagal na nilang gustong magpakasal, hindi umano nila magawa dahil sa kakulangan sa pera.

Sa kabila kasi ng hirap ng buhay na dala ng pandemya, pati na ang kalagayan nila sa buhay na nakatira lang sa barong-barong sa bakanteng lote, nananatiling positibo ang kanilang pananaw sa buhay, bakas ang saya at pagmamahalan hindi lang sa mag-asawa kundi sa buong pamilya.

Nagkaroon ng libreng photo shoot sa gitna ng mga kalakal ang mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Photo courtesy of Rab4love Studios by Benjamin Agoc

Nagkaroon ng libreng photo shoot sa gitna ng mga kalakal ang mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Photo courtesy of Rab4love Studios by Benjamin Agoc

Nagkaroon ng libreng photo shoot sa gitna ng mga kalakal ang mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Photo courtesy of Rab4love Studios by Benjamin Agoc

Nagkaroon ng libreng photo shoot sa gitna ng mga kalakal ang mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Photo courtesy of Rab4love Studios by Benjamin Agoc

Nagkaroon ng libreng photo shoot sa gitna ng mga kalakal ang mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Photo courtesy of Rab4love Studios by Benjamin Agoc

Nagkaroon ng libreng photo shoot sa gitna ng mga kalakal ang mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Photo courtesy of Rab4love Studios by Benjamin Agoc

Nagkaroon ng libreng photo shoot sa gitna ng mga kalakal ang mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Photo courtesy of Rab4love Studios by Benjamin Agoc

Bukod sa pictorial, naghahanda rin ang grupo ng isang magarbong kasal para sa mag-asawa.

"Tinulungan ko na sila nung isang araw na mag-ayos ng CENOMAR, ng birth certificates nila and then ipa-process na namin niyan 'yung marriage license nila, so ang alam nila is simpleng wedding lang," ani Strandz.

Si Strandz din ang nasa likod ng makeover ni Dennis Pascual, na isa ring mangangalakal.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.