Kuwento ni Marc Logan: Kontes ng noodles, 'Air Binay' kinaaaliwan sa social media | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kuwento ni Marc Logan: Kontes ng noodles, 'Air Binay' kinaaaliwan sa social media

Kuwento ni Marc Logan: Kontes ng noodles, 'Air Binay' kinaaaliwan sa social media

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 10, 2018 07:04 PM PHT

Clipboard

Trending pa rin sa social media ang spicy noodle challenge.

Ilang buwan na nang mauso ang tanyag na hamon, pero aliw na aliw pa rin dito ang mga celebrities.

Isa na rito ang mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis na nag-upload ng video sa social media.

Samantala, trending din sa social media ang "sneakers war" ng iba't ibang lugar sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT

Una na rito ang Makati City at ang kanilang "Air Binay" na hango sa Air Jordan na sumikat noon.

Libre ito ngayon sa mga estudyante ng K-to-12 basta napatunayang taga-Makati.

Pero sa social media, ibinebenta na umano ang mga sapatos.

Hindi lang umano sa Makati may SOTD o shoes of the day.

Kumakalat din sa social media ang "Manila Erap Tempo," hango sa tempo design ng sikat na rubber shoes.

May "Manda Mentality" naman ang Mandaluyong City na hango sa Mamba brand ng sikat na basketbolista na si Kobe Bryant.

Mayroon ding "Eusebio Old Skool" sa Pasig na hango sa sikat na sneaker brand.

Bukod sa mga ito, may soon-to-be-released din umano na "LeBinay" na hango sa sapatos ng NBA star na si LeBron James.

Viral din ang tatlong bata na tila ginagaya ang dragon dance gamit ang apple box bilang ulo ng dragon, at drum na hiniram sa construction worker.

--Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.