Oversized bouquet, gimik ng isang Batangas flower shop sa Valentine’s Day | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Oversized bouquet, gimik ng isang Batangas flower shop sa Valentine’s Day

Jonathan Magistrado,

ABS-CBN News

Clipboard

LIPA CITY, Batangas—Kung certified anthophile, o mahilig sa bulaklak ang iyong mahal, sorpresahin siya sa araw ng mga puso ng flower bouquet na gawa ng isang flower shop sa bayang ito.

Gumagawa ang The Florist ng mga oversized flower bouquet na simbolo umano ng umaapaw na pagmamahal.

“Something unique na designs, para maiba. I suggest kung may atraso kayo sa girlfriend niyo, pwede niyo siya bigyan nito. Ewan ko lang kung di kayo patawarin nun,” ani Camil Bautista, owner ng The Florist.

Aabot sa P1,000 ang halaga ng mga customized bouquet.

ADVERTISEMENT

Mga "oversized bouquet" na ipinamimili ng The Florist sa Lipa, Batangas para sa Valentine's Day. Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

Bukod kasi sa matagal gawin, natamaan ng ash fall ang mga tanim na bulaklak sa Batangas nang sumabog ang Bulkang Taal noong Enero, kaya kinailangan mag-angkat ng bulaklak si Bautista mula sa Baguio City at bansang Poland.

"Medyo mahal ngayon kasi mahirap ang supply dahil may shortage ng supply ng bulaklak,” ani Bautista.

Meron din budget-friendly bouquet na gawa sa makukulay na bulaklak tulad ng equadorian rose na tiyak na magugustuhan pa rin ng bibigyan.

Para sa mamimili na si Glaiza De Sagun, isang pirasong sunflower lang ay sapat na.

“Sunflower para maiba naman kasi lagi na lang roses," ani Sagun.

Paalala ng may-ari ng shop, huwag obligahin ang sarili na makapagbigay ng magarbong bouquet dahil sa huli, it’s the thought that counts pa rin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.