SWS: Mga walang love life na Pilipino sumipa sa pinakamataas na 18 pct | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

SWS: Mga walang love life na Pilipino sumipa sa pinakamataas na 18 pct

SWS: Mga walang love life na Pilipino sumipa sa pinakamataas na 18 pct

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

Nag-propose ang isang lalaki sa isang romance-themed display sa isang mall sa Maynila, Feb. 13, 2021. ABS-CBN News

MAYNILA — Kumusta ang romantic life mo?

Para sa maraming Pilipino, ang sagot ay "wala."

Nasa 18 porsiyento ang mga Pilipinong nagsabing wala silang love life noong 2020, isa sa pinakamataas na antas nitong mga nagdaang taon, base sa resulta ng survey na inilabas nitong Biyernes.

"The latest percentage of those with no love life is a new all-time high that surpassed the previous record of 14 percent in 2016, 2017, and 2019," paliwanag ng Social Weather Stations (SWS) sa kanilang poll na ginawa noong Nob. 21 hanggang 25.

ADVERTISEMENT

Ito'y sa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic, kung saan apektado ang social life dahil sa mga quarantine restriction sa paglabas.

Sa kabilang banda, napag-alaman ng SWS na 50 porsiyento ng mga na-interview ay nagsabing "masayang-masaya" sila sa kanilang love life.

Sabi ng pollster, ito ang pinakamababang bilang ng mga taong nagsabing masaya sila sa love life nila simula 2014, kung saan nakapagtala noon ang SWS ng 49 percent.

Samantala, 31 porsiyento ng mga Pilipino naman ang nagsabing sana raw ay mas sumaya pa ang kanilang romantic relationship.

PAGGUNITA SA ARAW NG MGA PUSO

Mas kaunti naman sa kalahati o 39 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing ise-celebrate nila ang Valentine's Day, at 27 porsiyento ang hindi gugunita sa espesyal na araw.

Nasa 31 porsiyento naman ang "undecided" sa paggunita sa Araw ng mga Puso.

Sa mga sumagot na aalalahanin nila ang naturang araw, nasa 50 porsiyento ang nagsabing gusto nilang pumunta sa simbahan o mag-attend ng religious services para i-celebrate ito.

PANOORIN:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nasa 27 porsiyento naman ng mga respondents ang sumagot na magreregalo sila sa kanilang partner, 25 porsiyento ang magluluto ng espesyal para sa mahal nila, at 11 porsiyento ang babati sa pamamagitan ng SMS or online.

Nilinaw ng SWS na walang "significant connection" ang pandemya at pagse-celebrate ng mga Pilipino sa Araw ng mga Puso, base sa resulta ng survey.

Isinagawa ng polling firm ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adult Filipinos.

Hindi rin daw kinumisyon ang survey, at inilabas nila ito bilang bahagi ng kanilang public service.

Nasa ±2.5 percent ang sampling error margins sa national percentages, ±4 percent sa Balance Luzon, at ±6 percent naman sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.