RECIPE: Beef Pares | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Beef Pares
RECIPE: Beef Pares
ABS-CBN News
Published Feb 06, 2018 01:01 PM PHT

Isa sa pinakapaboritong putaheng Pinoy ang beef pares, na karaniwan umanong matatagpuan sa maraming lugar sa kalakhang Maynila.
Isa sa pinakapaboritong putaheng Pinoy ang beef pares, na karaniwan umanong matatagpuan sa maraming lugar sa kalakhang Maynila.
Ibinahagi ng guest kusinera ng "Umagang Kay Ganda" na si chef Verl Domingo kung papaano ito lutuin.
Ibinahagi ng guest kusinera ng "Umagang Kay Ganda" na si chef Verl Domingo kung papaano ito lutuin.
Aniya, walang gisa-gisa ang kaniyang recipe kaya't madali lamang itong lutuin.
Aniya, walang gisa-gisa ang kaniyang recipe kaya't madali lamang itong lutuin.
Upang simulan ang paggawa sa beef pares, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:
• 1 kilo ng baka (brisket o kalitiran)
• 5-8 tasa ng tubig pampalambot
• 1 buong bawang
• 1 pirasong sibuyas
• 1/2 tasa ng pulang asukal
• 4 pirasong star anise
• 1 tasa ng toyo
• 1 kutsarita ng tinadtad na luya
• 1 kutsarita ng pamintang durog
• Asin
• 1 kilo ng baka (brisket o kalitiran)
• 5-8 tasa ng tubig pampalambot
• 1 buong bawang
• 1 pirasong sibuyas
• 1/2 tasa ng pulang asukal
• 4 pirasong star anise
• 1 tasa ng toyo
• 1 kutsarita ng tinadtad na luya
• 1 kutsarita ng pamintang durog
• Asin
ADVERTISEMENT
Pakuluan hanggang lumambot ang baka kasabay ng bawang, sibuyas, asin at paminta. Karaniwang umaabot ang pagpapakulo ng 1-2 oras.
Pakuluan hanggang lumambot ang baka kasabay ng bawang, sibuyas, asin at paminta. Karaniwang umaabot ang pagpapakulo ng 1-2 oras.
Pagkatapos kumulo ay ilagay ang toyo, star anise, at asukal.
Pagkatapos kumulo ay ilagay ang toyo, star anise, at asukal.
Idagdag naman ang asin at paminta ayon sa iyong panlasa. Pakuluan muli ng 30 minuto.
Idagdag naman ang asin at paminta ayon sa iyong panlasa. Pakuluan muli ng 30 minuto.
Maaari nang ihain ang beef pares.
Maaari nang ihain ang beef pares.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT