RECIPE: Dinaldalem ng Ilocos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Dinaldalem ng Ilocos
RECIPE: Dinaldalem ng Ilocos
ABS-CBN News
Published Feb 05, 2020 12:12 PM PHT
|
Updated Feb 05, 2020 12:18 PM PHT

Patok sa mga Ilokano ang putaheng dinaldalem, ang kanilang bersiyon ng igado, o pork and liver stew kung tawagin sa Ingles.
Patok sa mga Ilokano ang putaheng dinaldalem, ang kanilang bersiyon ng igado, o pork and liver stew kung tawagin sa Ingles.
Maaari mong subukang gawin ito sa inyong kusina.
Maaari mong subukang gawin ito sa inyong kusina.
Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinero na si Joseph Jericho Sebastian para ibahagi kung paano magluto ng dinaldalem.
Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinero na si Joseph Jericho Sebastian para ibahagi kung paano magluto ng dinaldalem.
Narito ang mga sangkap:
Narito ang mga sangkap:
- ½ kilo laman ng baboy
- ¾ kilo atay ng baboy
- 1 lata 16 oz. green peas
- 3 piraso dahon ng laurel
- 1 red bell pepper
- 1 green bell pepper
- 1 medium sibuyas
- 4 cloves bawang
- 4 kutsara toyo
- 2 kutsara suka
- ¼ kutsarita durog na paminta
- 1 kutsarita brown sugar
- 1 ½ cup tubig
- 6 kutsara annatto cooking oil
- Asin
- 1 piraso carrots
- Oyster sauce (optional)
- ½ kilo laman ng baboy
- ¾ kilo atay ng baboy
- 1 lata 16 oz. green peas
- 3 piraso dahon ng laurel
- 1 red bell pepper
- 1 green bell pepper
- 1 medium sibuyas
- 4 cloves bawang
- 4 kutsara toyo
- 2 kutsara suka
- ¼ kutsarita durog na paminta
- 1 kutsarita brown sugar
- 1 ½ cup tubig
- 6 kutsara annatto cooking oil
- Asin
- 1 piraso carrots
- Oyster sauce (optional)
Paraan ng pagluluto
Paraan ng pagluluto
- Ihawin ang baboy at atay ng baboy saka hiwain ng pahabang maliliit.
- Igisa ang bawang at sibuyas.
- Ilagay ang inihaw na baboy at atay ng baboy hanggang maging light brown ang hitsura.
- Lagyan ng toyo at tubig, hayaang lumambot ang baboy.
- Ilagay ang dahon ng laurel, asin at paminta. Hayaang maluto nang 10-15 minuto.
- Timplahan ng suka at ilagay ang carrots.
- Ilagay ang green peas, red at green bell pepper.
- Ihain na ang dinaldalem.