RECIPE: Pork dinakdakan with a twist

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2020 12:33 PM | Updated as of Feb 03 2020 12:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tiyak na mage-enjoy sa kainan ang sino mang makatikim ng malasang dinakdakan, isa sa mga sikat na putahe mula Ilocos.

Pero sa “Umagang Kay Ganda,” binigyan ng “twist” ng kusinerong si Dario Lorenzo, may-ari ng restoran na Dairo’s Grill, ang pagluluto ng pork dinakdakan.

Sa halip kasi na mukha at tainga ng baboy, na karaniwang ginagamit sa dinakdakan, batok ang bahaging niluluto ni Lorenzo.

“Para mas masarap siya, mas malambot, may halong taba at laman,” aniya.

Pinalitan din ni Lorenzo ang sangkap na atay ng manok ang atay ng baboy.

Para sa pork dinakdakan with a twist, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:
• 1 kilong pork batok
• 1 puting sibuyas (tinadtad)
• 2-3 piraso ng green chili pepper
• 2-3 pinch ng paminta
• 2 pinch ng asin
• 5 pirasong atay ng manok (nilaga)
• 8-10 piraso ng kalamansi
• 500 milliliter ng mantika

Narito ang paraan ng pagluluto:
• Ilaga ang pork batok nang kalahating oras. Hiwalay ring ilaga ang atay ng manok sa loob naman ng 10 minuto.
• Pagkatapos mapakuluan ang pork batok, prituhin ito sa mainit na mantika.
• Matapos iprito, hiwain sa maninipis na parte ang batok.
• Hiwain ang atay ng manok hanggang madurog.
• Paghaluin ang mga hiniwang batok ng baboy, atay ng manok, sibuyas, green chili pepper at kalamansi.
• Haluing mabuti ang mga sangkap at ilipat sa serving plate. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.