RECIPE: Crispy pork binagoongan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Crispy pork binagoongan

RECIPE: Crispy pork binagoongan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tiyak na mag-e-enjoy ang sinumang kakain ng crispy pork binagoongan dahil sarsa pa lang ay panalo na sa panlasa.

Para masimulan ang putahe, narito ang mga sangkap na kailangang ihanda para sa liempo:

• 1/2 kilong liempo
• 1 buong bawang
• 2 pirasong dahon ng laurel
• Asin
• Pamintang buo

Ang mga sumusunod naman ay para sa binagoongan sauce:

ADVERTISEMENT

• 1 kutsara ng atsuete oil
• 1 buong green bell pepper
• 1 buong red bell pepper
• 1 buong puting sibuyas
• 1/4 tasa ng kakang gata
• 2 kutsara ng bagoong alamang
• Talong (pinrito)

Sa loob ng 45 minuto, pakuluan muna ang liempo sa bawang, laurel, asin, at pamintang buo.

Sunod ay hanguin at palamigin ang mga sangkap ng higit isang oras.

Ilipat ito sa kawali at prituhin hanggang sa maging crispy o malutong at kulay golden brown.

Para naman sa binagoongan sauce, una munang igisa ang red bell pepper, green bell pepper, puting sibuyas, at bagoong alamang sa atsuete.

Isangkutsa ang mga sangkap sa loob ng 20 minuto hanggang sa malantang mabuti.

Ilagay ang gata at haluin hanggang sa maluto.

Sunod ay hanguin, palamigin, at durugin ang mga sangkap bago muling isalang at pakuluan sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.

Hanguin at ilagay sa ibabaw ng crispy pork liempo at pritong talong.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.