Beach art ng Santo Niño agaw-pansin sa Iloilo City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

Beach art ng Santo Niño agaw-pansin sa Iloilo City

Beach art ng Santo Niño agaw-pansin sa Iloilo City

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 25, 2021 02:36 PM PHT

Clipboard

Isang malaking beach art tampok ang Santo Niño ang bumida sa isang beach sa Arevalo, Iloilo City. Retrato mula sa Fredman Resort

Agaw-pansin ang isang malaking beach art tampok ang larawan ng Santo Niño sa Iloilo City.

Nasa 7 tauhan ng Fredman Resort sa Arevalo district ang nagtulong-tulong para maiguhit sa buhangin ang imahe ng batang Hesus.

Ayon kay Edwin Guiquin, manager ng resort, ginawa nila ang beach art bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Dinagyang Festival.

Isang malaking beach art tampok ang Santo Niño ang bumida sa isang beach sa Arevalo, Iloilo City. Retrato mula sa Fredman Resort

Inilabas ng mga tauhan ng resort ang kanilang pagiging malikhain upang makagawa ng detalyadong imahe ng Santo Niño, sabi ni Guiquin.

ADVERTISEMENT

Layon din umano ng beach art na maipakita ang pananampalataya at debosyon ng mga taga-Arevalo sa Santo Niño.

Isang malaking beach art tampok ang Santo Niño ang bumida sa isang beach sa Arevalo, Iloilo City. Retrato mula sa Fredman Resort

-- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.