Pagdiriwang ng Chinese New Year pinaghahandaan na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagdiriwang ng Chinese New Year pinaghahandaan na

Pagdiriwang ng Chinese New Year pinaghahandaan na

Reiniel Pawid,

ABS-CBN News

Clipboard

Tindahan sa Binondo, Maynila, Enero 14, 2023. ABS-CBN News
Tindahan sa Binondo, Maynila, Enero 14, 2023. ABS-CBN News

MAYNILA — Isang linggo bago ang Chinese New Year, inilabas na ng dragon dancer na si Ronnie Jacinto ang 8 dragon heads na ginagamit niya sa pagtatanghal.

Tuwing Chinese New Year kasi, lagare sina Jacinto sa pag-perform dahil isa ang dragon dance sa pinaniniwalaang pampasuwerte ng mga Chinese at negosyante.

"'Pag sa bahay, papasok at mag-show at 'pag may altar na makita, magpapaypay 'yon tatlong beses tapos aatras, kukunin na ang ampao," kuwento ni Jacinto.

May hatid din umanong suwerte ang dragon dance sa buong pamilya ni Jacinto, na 3 dekada na sa trabaho.

ADVERTISEMENT

"[May naipundar] kaming negosyo, bahay, sasakyan. 'Yong mga anak ko nakapag-aral din sa Chinese school at ngayo'y nag-aaral pa rin sa Taiwan," ani Jacinto.

Sa isang mall naman sa Binondo, Maynila, gumawa ng paper cutting art ang isang grupo ng mga kabataan.

Ayon sa Chinese teacher na si Yang Wenke, karaniwang bata, lotus flower at bottle guards ang disenyo ng mga ito.

"The paper cutting we normally use red, the color red will keep all the evilness away from the house," ani Wenke.

Ayon pa kay Wenke, hindi rin maaaring mawala ang pagkain ng dumplings sa Chinese New Year.

ADVERTISEMENT

Patok na patok din umano ang mga bilog at malalagkit na pagkain, gaya ng tikoy at hopia.

Kaliwa't kanan na rin ang mga lucky charm sa Ongpin Street at marami sa mga pampasuwerte ay may disenyong rabbit, akma sa Year of the Water Rabbit.

Ayon kay Anthony Fugoso, isang feng shui expert, magandang sistema sa edukasyon at kapayapaan ang dala ng Bagong Taon.

"Kung last year may giyera baka this year pwedeng mapag-usapan o may makuhang diplomacy mas magiging kalmado ang mundo," ani Fugoso.

"Tapos scholastic, students will benefit this year it will be easy for them to study," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Sa Enero 22 papatak ang pagdiriwang ng Chinese New Year.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.