RECIPE: Batchoy Tagalog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Batchoy Tagalog

RECIPE: Batchoy Tagalog

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 15, 2020 01:08 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mainit at malinamnam ang batchoy Tagalog kaya isa ito sa mga comfort food na paboritong kainin ng maraming Pinoy, lalo kapag malamig ang panahon.

Sa programang "Umagang Kay Ganda," tinuro ni Ria Buatis, may-ari ng restoran na Uno Mesa, ang paraan ng pagluto ng batchoy Tagalog.

Bago mag-umpisa sa pagluluto, tiyaking handa ang mga sumusunod na sangkap:
• 1 pirasong sibuyas
• 1 pirasong bawang
• 1/2 piraso ng luya
• 1/2 kilo ng liempo
• 1/2 kilo ng atay ng baboy
• 2 kutsarang patis
• 2 piraso ng green bell pepper
• 1 tali ng dahon ng sili
• 1 litrong tubig
• Asin
• Paminta

Narito naman ang paraan ng pagluluto:
• Igisa ang luya, sibuyas at bawang
• Idagdag sa ginisang mga sangkap ang baboy at atay, at bahagyang prituhin
• Lagyan ng isang litrong tubig ang mga sangkap
• Pakuluan ang pinaghalo-halong sangkap hanggang lumambot, at maluto ang baboy at atay
• Kapag luto na, timplahan ng patis, asin, at paminta saka muling pakuluan
• Huling ilagay ang green pepper at dahon ng sili

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.