Paano nakatutulong ang itlog ng pugo sa paglaki ng bata? | ABS-CBN
Lifestyle
Paano nakatutulong ang itlog ng pugo sa paglaki ng bata?

ABS-CBN News
Published Jan 13, 2020 12:16 PM PHT
Isa sa mga patok na pampalipas-gutom ng mga Pilipino ang itlog ng pugo dahil abot-kaya at maraming naglalako o nagbebenta.

Bukod sa pagiging paboritong meryenda, taglay rin ng itlog ng pugo, ayon sa isang eksperto, ang mga sustansiyang nakatutulong sa paglaki ng bata.

Mayaman ang pugo sa protina, vitamin B-1, at potassium "na tumutulong sa early growth ng mga bata," sabi ng nutritionist-dietician na si Luningning Caravana sa programang "Salamat Dok."

Mataas din ang iron na taglay ng pugo na tumutulong sa pagbuo ng red blood cells na nakatutulong sa paglaki at pagiging masigla ng mga bata, ani Caravana.

ADVERTISEMENT
Tatlo hanggang 5 piraso ang inirerekomenda ni Caravana na dami ng pugong puwedeng kainin kada araw ng mga batang may edad 7 pataas.

Pero kung kakain ng 3 hanggang 5 piraso, ipinayo rin ni Caravana na bawasan ang konsumo sa mga pagkaing mayaman sa vitamin A tulad ng fish oil at carrots.

"Dahil sa sobrang dami na ng Vitamin A na makikita sa itlog ng pugo," paliwanag niya.

Nakatutulong, ayon kay Caravana, ang Vitamin A para maiwasan ang paglabo ng mata.