Mommy, ipinagupit ang mahabang buhok ng anak at ibinigay sa cancer patients | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mommy, ipinagupit ang mahabang buhok ng anak at ibinigay sa cancer patients

Cielo Gonzales,
Bayan Mo Ipatrol Mo
Published Jan 12, 2022 08:44 PM PHT
|
Updated Jan 12, 2022 09:01 PM PHT

LAGUNA - Kinagiliwan sa social media ang post ni Bayan Patroller Allison Marie Ashley Agbulos-Silva mula sa Biñan, Laguna kung saan ibinahagi niya ang kwento sa naging pagpapagupit ng lalaking anak na mayroong mahabang buhok.

Pagbabahagi ng Bayan Patroller, unang nagupitan ang buhok ng anak na si Clyde Gabriel "Gab" Agbulos noong ito ay isang taong gulang pa lamang.

Lumipas ang ilang taon at humaba na ang buhok ng anak subalit dahil sa pandemya ay pinili nilang huwag itong ilabas para pagupitan.

“Ayaw ko kasi galawin yung buhok niya ng kami lang mag cut, baka hindi maging maganda kalabasan especially first time na mag short hair,” ayon kay Silva.

ADVERTISEMENT
Ngayong 5-taon na si Gab at nagkaroon ng pagkakataon na ilabas ang mga bata napagdesisyunan nilang pagupitan na ito.

Noong Nob. 16, 2021 ay ginupitan na siya sa isang barber shop, kung saan 20 inches umano ang haba ng nagupit na buhok.

Dahil sa payo ng kanyang ina ay napagkasunduang i-donate ang buhok ng anak para sa mga cancer patient. Noong Dec. 28, ipinadala nila ang buhok ng anak sa isang ospital.

Kwento ng Bayan Patroller, masaya si Gab na makakatulong ito sa mga nangangailangan kahit sa maliit na paraan lamang.

Nagpapasalamat siya sa mga positibong komento na nakuha ng kanyang post.

“Masaya po sa naging experience na marami kaming napasaya doon sa videos namin ng baby ko. Ang gusto lang namin ay makapag entertain at ma-educate ang mga tao na pwede silang magshare ng hair nila sa mga cancer patient,” mensahe niya.

PANOORIN
Read More:
Hair donation
Cancer patients
Bayan Patroller
BMPM
Bayan mo ipatrol mo
pandemic grown hair
pandemic hair
where to donate hair
haircut
viral news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT