RECIPE: Kalderetang Batangas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Kalderetang Batangas
RECIPE: Kalderetang Batangas
ABS-CBN News
Published Jan 10, 2019 12:52 PM PHT

Nakatikim ka na ba ng kalderetang hindi ginamitan ng tomato sauce, tomato paste, o kahit anong sangkap na may kamatis?
Nakatikim ka na ba ng kalderetang hindi ginamitan ng tomato sauce, tomato paste, o kahit anong sangkap na may kamatis?
Para sa mga Batangueño, posible ang ganitong bersiyon ng kaldereta.
Para sa mga Batangueño, posible ang ganitong bersiyon ng kaldereta.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang guest kusinera na si Madonna Arce para ibahagi kung paano lutuin ang Kalderetang Batangas.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang guest kusinera na si Madonna Arce para ibahagi kung paano lutuin ang Kalderetang Batangas.
Narito ang mga sangkap
• 1/2 kilo karne ng baboy (binakbakan o pork ribs)
• 2 kutsara margarine
• 5 piraso ng sibuyas (ginayat)
• 1/2 clove bawang (dinikdik)
• 1 kutsara achuete powder
• 1/4 tasa pickle relish
• 1 maliit na lata ng liver spread
• 1 kutsarita pamintang durog
• 2 kutsara toyo
• 2 kutsara oyster sauce
• 1/2 tasa keso
• 1 sili labuyo
• 1 tasa bread crumbs (optional)

ADVERTISEMENT
Paraan ng pagluluto
Igisa ang bawang at sibuyas sa margarine, isunod ang achuete powder bago isangkutsa ang karne.
Igisa ang bawang at sibuyas sa margarine, isunod ang achuete powder bago isangkutsa ang karne.
Timplahan ng toyo, oyster sauce, pamintang durog at pickles.
Timplahan ng toyo, oyster sauce, pamintang durog at pickles.
Hayaang kumulo hanggang maging parang sarsa ang sibuyas.
Hayaang kumulo hanggang maging parang sarsa ang sibuyas.
Kapag malambot na ang karne, ilagay ang liver spread, siling labuyo at keso. Hayaang matunaw ang keso.
Kapag malambot na ang karne, ilagay ang liver spread, siling labuyo at keso. Hayaang matunaw ang keso.
Maaaring lagyan ng bread crumbs kung nais na mas malapot pa ang sarsa.
Maaaring lagyan ng bread crumbs kung nais na mas malapot pa ang sarsa.
Maaari nang ihain ang Kalderetang Batangas.
Maaari nang ihain ang Kalderetang Batangas.
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Umagang Kay Ganda
recipe
healthy recipes
affordable meals
Filipino food
Kalderetang Batangas
liver spread
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT