Nazareno 2021: Virtual mass, prusisyon sa komunidad panata ng ilang di makapag-Quiapo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nazareno 2021: Virtual mass, prusisyon sa komunidad panata ng ilang di makapag-Quiapo

Nazareno 2021: Virtual mass, prusisyon sa komunidad panata ng ilang di makapag-Quiapo

ABS-CBN News

Clipboard

May sariling prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno ang ilang community church ngayong limitado ang pinapayagang pumunta sa Quiapo dahil sa pandemya. ABS-CBN News

MAYNILA - Ngayong limitado ang puwedeng makadalo sa Quiapo Church para sa Pista ng Itim na Nazareno, may iba’t ibang paraan ang ilang deboto para makapagpanata.

Ang mag-inang si Rose at Alodia Bernal, magkasamang nanood ng misa online sa kanilang bahay sa Pasig.

Ipinagbubuntis noon ni Rose si Alodia nang magsimula ang kaniyang pamamanata.

Kaya’t kahit hindi nakapunta sa simbahan, naghanap siya ng paraan para maipagpatuloy ang debosyon.

ADVERTISEMENT

“Wala naman po nagbago kasi sa pananampalataya po syempre dapat taos-puso ka pong nagpapasalamat, nagdarasal. Hindi po siguro hadlang na may pandemic,” ani Bernal.

Nagdasal ang buong pamilya bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya at proteksiyon sa kabila ng pandemya.

Si Emil Sabaresa, kasama sa mga nagparada ng imahen ng Tuazon Chapel Sinag Señor Jesus Nazareno sa Quezon City para ipakita ang kaniyang debosyon.

Inikot ang imahen sa kanilang komunidad para masilayan ng mga hindi makalabas sa kanilang bahay.

“Dahil sa dumating na pandemya hindi natuloy ang traslacion, ang gagawin namin ipaparada nalang namin siya,” ani Sabaresa.

“Ang dasal ko po sa kaniya eh sana ang lahat ng mga namamanata huwag magkasakit, maging maayos sila,” dagdag niya.

May sarili namang misa ang St. Paul Parish sa Quezon City. Pagkatapos ng misa, sumama ang mga deboto sa “convoy” na prusisyon, lulan ng mga sari-sariling sasakyan.

Si Ardy Daroles, nagsuot pa rin ng kulay pula para ipakita ang kaniyang debosyon.

“Malaking pagbabago, malungkot. Hindi namin magampanan yung aming debosyon. Sa kabilang banda okay lang na hindi kami makapunta para hindi narin kumalat yung virus,” ani Daroles.

Bumuhos din ang mga post sa social media ng mga nagpapasalamat sa Poon.

— Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.