Dala ang dasal at face mask, mga deboto dagsa sa ‘new normal’ na Nazareno feast | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dala ang dasal at face mask, mga deboto dagsa sa ‘new normal’ na Nazareno feast

Dala ang dasal at face mask, mga deboto dagsa sa ‘new normal’ na Nazareno feast

ABS-CBN News

Clipboard

Kita sa face shield ng isang deboto ang repleksiyon ng Quiapo Church sa isang misa na ipinagdiriwang ang Pista ng Itim na Nazareno. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - Libo-libong deboto ang dumagsa sa Quiapo Church para ipagdiwang ang Pista ng Itim na Nazareno.

Kung dati, inaabot ng milyon ang mga debotong nakikiisa sa pista, ngayong taon ay umaabot pa lang sa halos 400,000 ang dumalo dahil sa limitadong kapasidad ng mga simbahan at distancing protocols na ipinapatupad dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

May mga inilatag din na health protocols gaya ng temperature check at pagsuot ng face mask at face shield.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Alas-3 ng madaling araw pa lang ay may mga pumila nang mga deboto sa simbahan para sa alas-4:30 ng umaga na mass.

ADVERTISEMENT

Limitado lang ang pinayagan sa loob.

Kasama sa mga unang pumila si Norma Ortigas, na 50 taon nang deboto.

Ayon naman sa mga kaanak niyang si Ken at si Lito, nanibago sila sa mga distancing protocols.

“Kailangan sumunod sa utos ng mga pulis at simbahan, sundin na lang para hindi makahawaan,” ani Ken.

Nanibago rin ang deboto na si Rosana Lachica.

“Sa panahong ito, napakaluwag, napaka-ayos naman. Non, siksikan ang mga deboto, ngayon, napaka-ayos,” aniya.

Mas ligtas naman para kay Mac Resa ang pagdiriwang ngayong taon.

“Hindi siya hassle una sa lahat, mas safe ‘pag ganito kasi iniiwasan natin ‘yung disgrasya, naka-focus lahat sa misa, hindi nagkakasakitan,” ani Resma.

Nasunod naman ang physical distancing sa loob ng simbahan, at sa Plaza Miranda kung nasaan nakakabit ang isang screen para sa mga nagmisa sa labas.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pero sa Quezon Boulevard, minsang nakakaligtaan lalo na tuwing may blessing pagkatapos ng misa. May iilan ding nabalian at nasugatan.

“May bata, 2 years old, nagkaroon ng biyak sa paa sa kadahilanang sumabit sa kariton na baka,” ani Manila disaster office director Arnel Eustacio Angeles.

“May pasyente na nakuha sa Quiapo, may injury sa left knee at right elbow,” dagdag niya.

May pangamba pa rin sa COVID-19 ang ilang deboto, pero mas nanaig ang kanilang debosyon.

Emosyonal namang humingi si Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church, ng paumanhin sa mga hindi makapasok sa simbahan.

Aabot lang kasi sa 400 ang pinapayagang pumasok alinsunod sa distancing protocols.

“Nakakadurog lang kasi ng puso na gusto niyong pumasok, hindi namin kayo mapapasok. Kasi kailangan nating sundin. Minsan, may taga-probinsya, talaga bumiyahe, halos dito na matulog,” ani Badong.

Nagkakaisa naman ang mga deboto sa dasal na malagpasan ang COVID-19 pandemic.

Aabot sa 6,000 pulis ang ipinakalat para bantayan ang seguridad at ipatupad ang mga health protocol sa tulong ng mga Hijos.

Para sa Simbahan, matagumpay ang pagdaraos ng pista ngayong 2021 sa harap ng banta ng pandemya.

"Nakakatuwa po na completely different of image of devotees po ang aming nakikita ngayon, na kung dati po ang tawag namin diyan ay organized chaos. Eh ngayon ho sumusunod, napaka-disiplinado po ng ating mga kapatid," ani Alex Irasga, head ng Feast of the Black Nazarene working committee.

— May mga ulat nina Jekki Pascual at Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.